^

Bansa

‘Third country recruitment’ ibinabala ng BI sa OFWs

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Third country recruitment� ibinabala ng BI sa OFWs
Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na sa ilalim ng “third country recruitment” ang mga OFWs na expired na ang visa ay aalukin para ilipat sa ibang bansa o teritoryo at kinalaunan ay ire-recruit sa ikatlong bansa.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga OFWs na naghahanap ng trabaho sa ibang bansa laban sa “third country recruitment”.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na sa ilalim ng “third country recruitment” ang mga OFWs na expired na ang visa ay aalukin para ilipat sa ibang bansa o teritoryo at kinalaunan ay ire-recruit sa ikatlong bansa.

Subalit hindi umano malalaman kung san sila nalipat dahil wala silang record sa gobyerno.

Nilinaw naman ni Tansingco na bagamat hindi na sakop ng BI ang nasabing pandaraya ay dapat lang na ipagbigay alam nito sa publiko dahil mayroon silang nadiskubre nito sa airport.

Giit pa ng opisyal dapat na protektahan ng OFWs ang kanilang sarili mula sa exploitation sa pamamagitan ng pagkuha ng mga tamang dokumento kapag nagtatrabaho sila sa ibang bansa.

Ginawa ng BI ang babala matapos na 5 Pinoy ang napauwi mula sa Moscow, Russia noong Biyernes.

Kabilang sa naturang grupo ang isang lalaki na umalis bilang turista para bisitahin ang kanyang OFW na asawa sa Russia, subalit nag-overstayed doon dahil sa pandemic habang ang apat na OFWs  ay may valid overseas employment certificates.

Tatlo sa mga biktima ay pawang babae na OFWs sa Hongkong ay na-recruit at nalipat sa Russia nang matapos ang kanilang kontrata at ang isa naman ay babae rin biktima na nagtatrabaho bilang yaya sa Russia at nanatili doon sa kabila na expired na ang kontrata.

vuukle comment

BI

NORMAN TANSINGCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with