^

Bansa

‘Goring’ super typhoon na, 5 rehiyon nasa red alert

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
‘Goring’ super typhoon na, 5 rehiyon nasa red alert
Si Goring ay namataan alas-11 ng umaga may 95 kilometro east northeast ng Casiguran, Aurora taglay ang lakas ng hangin na 185 kph at pagbugso na 230 kph.
PAGASA

MANILA, Philippines — Bunsod ng patuloy na paglakas at bugso nito, idineklara na ng PAGASA bilang Super Typhoon ang bagyong Goring.

Si Goring ay namataan alas-11 ng umaga may 95 kilometro east northeast ng Casiguran, Aurora taglay ang lakas ng hangin na 185 kph at pagbugso na 230 kph.

Itinaas na ng PAGASA ang tropical cyclone wind signal no. 3 sa eastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan, Dinapigue, Ilagan City, at San Mariano).

Ang mga naturang lugar ay makakaranas ng 89-117 kph lakas ng hangin sa loob ng 18 oras.

Nasa signal no. 2 naman ang eastern portion ng mainland Cagayan, northern at central portion ng Isabela, extreme northern portion ng Aurora at eastern portion ng Quirino.

Habang signal no. 1 sa Batanes, natitirang bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, natitirang bahagi ng Aurora, natitirang bahagi ng Quirino, natitirang bahagi ng Isabela, Apayao, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mountain Province, Kalinga, Abra, eastern portion ng Ilocos Norte, Pollilo Islands, eastern portion ng Benguet, eastern portion ng Nueva Ecija at Calaguas Islands.

Inaasahan ngayong araw ang 50-100 mm na ulan sa eastern portion ng Babuyan Islands at mainland Cagayan at pagsapit ng Martes ay 100-200mm ulan ang inaasahan sa Batanes at eastern portion ng Babuyan Islands, habang 50-100mm sa nalalabing bahagi ng Babuyan Islands at northern portion ng mainland Cagayan.

Makakaapekto rin ang southwest monsoon o habagat na pinalakas ng super typhoon Goring sa western portion ng Central Luzon, Southern Luzon at Central Visayas sa susunod na tatlong araw.

Samantala, inilagay na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa red alert ang limang rehiyon sa Luzon dahil sa banta ng super typhoon Goring.

Kinabibilangan ito ng Cordilleras, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, at Mimaropa.

Kaugnay nito, uma­abot sa 1,968 katao mula sa Ilocos Region at Cagayan Valley ang naapektuhan ni Goring.

Sa pinakahuling report ng NDRRMC, 832 indibiduwal o 213 pamilya ang dinala na sa 24 evacuation centers habang 265 katao o 78 pamilya ang nasa labas ng mga evacuation centers.

Tinatayang nasa P40 milyon infrastructure na ang damage kay ‘Goring’ sa Cagayan Valley. Walong kalsada at dalawang tulay ang hindi na rin madaanan.  - Mer Layson

GORING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with