^

Bansa

10 papuntang Malaysia nasagip ng Philippine Navy sa human trafficking

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasagip ng pinagsanib na mga elemento ng security forces ang 10 katao na umano’y biktima ng human trafficking na patungong Malaysia.

Base sa report ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM), ang mga biktima ay nailigtas sa pantalan ng Brgy. Baliwasan, Zamboanga City kamakailan.

Gayunman, hindi tinukoy ang mga pangalan ng mga nasagip na biktima para na rin sa kanilang seguridad laban sa mga human traffickers na patuloy pang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Lumilitaw na ang modus ng mga suspek ay idaan sa backdoor channel ng southern Mindanao ang mga binibiktima ng mga ito.

Ang mga nasagip ay isinailalim sa debriefing habang pinaghahanap na ang illegal recruiter ng mga ito at iba pang mga kasabwat.

vuukle comment

MALAYSIA

TRAFFICKING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with