^

Bansa

Scammers tiklo sa operasyon ng mga otoridad katulong ang GCash

Philstar.com
Scammers tiklo sa operasyon ng mga otoridad katulong ang GCash
Tinatrabaho ng mga otoridad ang pag-aresto sa mga salarin na sangkot sa mga ilegal na gawain — isang malaking panalo sa pinagsanib na puwersa laban sa scammers, fraudsters at iba pang cybercriminals.
STAR/File

MANILA, Philippines – Pinapurihan ng GCash ang matagumpay na operasyon ng Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) laban sa cybercriminals.

Nagsagawa ang DOJ, NBI, at PNP-ACG ng mga serye ng pagsalakay at pag-aresto sa mga umano’y cybercriminals sa nakalipas na mga buwan. Matagumpay nilang naaresto ang mga pinaghihinalaang salarin sa iba’t ibang krimen tulad ng love scams at task scams, at nakakumpiska ng SIM cards na ginagamit umano sa mga kaduda-dudang gawain.

Kumikilos ang mga otoridad sa pag-aresto sa mga suspek na sangkot sa mga ilegal na gawain — isang malaking panalo sa pinagsanib na puwersa laban sa scammers, fraudsters, at iba pang cybercriminals.

“GCash is supportive of the operations of the DOJ, NBI, and PNP-ACG in going after perpetrators. We are an active partner of our law enforcement agencies as we exchange technical knowledge and expertise on the latest cybersecurity measures,” wika ni Atty. Maria Corazon PMR Alvarez-Adriano, chief legal officer ng GCash.

Bukod sa pakikipagpartner sa law enforcement agencies, itinutulak din ng GCash ang pagpasa sa isang bill na naglalayong gawing krimen ang pagbili at pagbebenta ng tinatawag na mule accounts na ginagamit ng mga kriminal upang itago ang pagkakakilanlan kapag nagta-transfer ng illicit money.

Ang e-wallet ay patuloy na nag-i-invest sa best-in-class security technologies at innovations. Kamakailan ay naabot ng GCash ang 100% rollout para sa kanilang industry-first security, DoubleSafe, upang matiyak na ang tao na nag-a-access sa isang account ay ang parehong tao na nakarehistro sa GCash sa pamamagitan ng paggamit ng face ID technology. 

“With the DoubleSafe Face ID feature, even if the users inadvertently give out their MPIN or OTP, their account cannot be accessed from a new device without scanning the owner's face,” sabi ni Miguel Geronilla, chief information security officer ng GCash.

Ang GCash ay nananatiling matatag sa pag-educate sa mga customer nito at sa publiko sa kung paano nila higit na mapoprotektahan ang kanilang mga sarili laban sa mga scammer. Sa pamamagitan ng educational materials sa ilalim ng #GSafeTayo campaign, hinihikayat ng GCash ang mga user na maging maingat sa Phishing sites at links na nanggagaya ng official portals ng financial institutions at online shopping websites. 

Pinapayuhan din ang mga customer na makipag-transact lamang sa pamamagitan ng official channels ng GCash at tandaan na hindi to kailanman magpapadala ng personal messages sa kinauukulang address o hihingi ng MPIN, OTP, or iba pang personal information ng users.

Maaaring i-report ang scams at iba pang kaduda-dudang aktibidad sa official Help Center sa loob ng app o sa help.gcash.com.

CYBERCRIME

ONLINE SCAMS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with