Maayos na serbisyo ng More Power sa Iloilo City ibinida ni Senator Poe
MANILA, Philippines — Ibinida ni Sen. Grace Poe ang maayos na serbisyo ng More Electric and Power Corporation(More Power), ang distribution utiity sa Iloilo City, na sa loob lamang ng 3 taon mula nang mabigyan ng legislative franchise ay nagawang maresolba ang malaking problema sa brownouts at mataas na singil sa kuryente sa lalawigan. Ang pagbida sa More Power ay ginawa ni Poe sa pagpapatuloy ng joint investigation ng Senate Committee on Energy at Committee on Public Services kaugnay sa malaking problema sa brownout na nararanasan sa ibat ibang bahagi ng bansa. Ayon kay Poe, ang pagpasok ng mga private players kagaya ng More Power ang susi para mapabuti ang power service at maiwasan na ang paulit-ulit na brownout. “Kung mas malaki ang capitalization ng private sector at meron silang responsibilidad sa kanilang mga shareholders, mas maayos ang serbisyo nila. Doon sa Iloilo City, nang ma-approve ang franchise ng MORE Power, mas naging maayos ang serbisyo”pahayag ni Poe, chairman ng Senate
Committee on Public Services. Taong 2020 nang magsimulang mag-operate ang More Power at sa ikatlong taon pa lamang ng kanilang operasyon ay halos patapos na ang kanilang five-year development plan para sa pagpapabuti ng serbisyo sa buong lalawigan. Sinabi ni More Power President and Chief Executive Officer Roel Castro na mula nang itakeover ng kumpanya ang power supply sa Iloilo City mula sa Panay Electric Company (PECO) ay nakapag-invest na ng P1.5 billion halaga ng investments na nakatuon para sa modernisasyon ng power distribution facilities. Bunsod ng modernisasyon na ipinatupad ng More Power ay nabawasan ng 90% ang power interruptions, naiwasan ang overloading at illegal connections.
- Latest