26 lindol, 303 rockfall events naitala sa Mayon
MANILA, Philippines — Nakapagtala pa ang Phivolcs ng 26 volcanic earthquakes at 303 rockfall events sa bulkang Mayon nitong nakalipas na 24 oras.
Sa inilabas na 5:00 AM bulletin ng Phivolcs kahapon, nabatid na mayroon din silang namonitor na tatlong dome-collapse pyroclastic density current (PDC) at isang lava front collapse PDC event.
Anang Phivolcs, nananatili pa rin ang Mayon sa Alert Level 3 dahil sa intensified unrest o magmatic unrest nito.
Patuloy pa rin itong nagkakaroon ng napakabagal na pagdaloy ng lava mula sa crater na aabot sa 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.3 km sa Bonga Gully.
Nagkaroon rin umano ng pag-collapse ng lava sa mga naturang gullies na nasa 3.3 km at 4 km naman sa Basud Gully.
Iniulat din ng Phivolcs na nagbuga ang bulkan ng 1,145 tonelada ng sulfur dioxide flux kamakalawa.
Nakitaan din ito ng moderate na 1,000 meter-tall plume, na patungo sa direksiyon ng southwest at west-southwest.
Ayon pa sa Phivolcs, patuloy pa rin ang pamamaga ng edifice ng bulkan.
- Latest