^

Bansa

Publiko binalaan laban sa crypto scams na nagpapanggap na job offers

Philstar.com
Publiko binalaan laban sa crypto scams na nagpapanggap na job offers
Isa sa tumataas na kaso ng panloloko ay kinasasangkutan ng digital currencies na kilala rin bilang cryptocurrencies.
File

MANILA, Philippines – Nagiging mas maparaan na ngayon ang mga scammer, fraudster at cyber-criminals kasabay ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya.

Isa sa tumataas na kaso ng panloloko ay kinasasangkutan ng digital currencies na kilala rin bilang cryptocurrencies.

Kaugnay nito ay nagbabala ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) at ang mobile wallet sa bansa na GCash sa publiko laban sa crypto scams na kumakalat sa social media na nagpapanggap na job offers.

Nagsisimula ang scam na ito bilang isang online job offer na isini-share bilang isang link sa pamamagitan ng social media posts.

Ang kakagat sa pain ay idaragdag sa group chat kung saan pag-uusapan ang malaking kita sa crypto. Ang mga biktima ay aakiting mag-invest sa cryptocurrencies na ang pondo ay dapat manggaling sa mobile wallet. Ayon sa PNP-ACG at GCash, ang kalakaran ay  senyales na ang nasabing offer ay isang scam.

Para makuha ang tiwala ng biktima, sa una ay magagawang i-cash out ang kanilang kita pabalik sa kanilang GCash accounts. Ito na ang pagsisimulan ng “account takeover”.

“By educating users with the knowledge and sharing practical tips based on our actual investigations, we empower them to identify and avoid potential scams, ensuring their financial safety," sabi ni GCash Head of Fraud Operations Alexander Sibal. 

Para maprotektahan ang kanilang mga sarili, ang mga  user ay mahigpit na pinapayuhan na magsagawa ng masusing pagsasaliksik bago i-invest ang kanilang pera. Maaari itong isagawa sa pag-check sa Securities and Exchange Commission bago mag-invest.

“We at the PNP-ACG, strongly urge the public to practice due diligence so as not to fall victims to these scams. When in doubt, just follow the tips posted on our social media page. Our good relationship with GCash is a step in the right direction as we continue our cybersecurity public service campaign,” wika ni PNP ACG Spokesperson, PCapt. Michelle Sabino.

Muling nagpaalala ang GCash na huwag ibunyag ang MPIN at OTP, at iwasan ang pag-click ng mga link sa website na galing sa email, SMS o tawag na hindi kilala. 

Para sa tulong, makipag-ugnayan sa PNP-ACG sa kanilang mga hotline sa (02) 8414-1560 at 0998-598-8116. Maaari ring magpadala ng email sa [email protected].

Sa mga nais mag-report ng scam o may mga katanungan, pumunta lamang sa official GCash Help Center https://help.gcash.com/hc/en-us. Kausapin lamang ang chatbot na si Gigi sa GCash website at i-type ang “I want to report a scam.” Muling paalala, hindi magpapadala ang GCash ng mensahe para itanong ang personal na impormasyon lalo na ng MPIN at One-time Pin (OTP). Maaari din tumawag sa official GCash hotline 2882. 

Para sa karagdagang kaalaman, bumisita lamang sa https://www.gcash.com.

vuukle comment

CRYPTOCURRENCY

PNP

SCAMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with