^

Bansa

Babala ng PNP at GCash: Lending apps na walang SEC registration, delikado

Philstar.com
Babala ng PNP at GCash: Lending apps na walang SEC registration, delikado
Ang pagberipika na ang lending app ay rehistrado sa SEC ang pinakaepektibong paraan para makaiwas maging biktima ng mga scammers, cybercriminals at iba pang manloloko.
Photos: Sound On; Philstar.com EC Toledo | Illustration: Philstar.com

MANILA, Philippines – Pinag-iingat ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) at GCash ang mga consumer na nagbabalak mag-apply ng loan upang masiguro na lehitimo ang lending company at rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC) para hindi sila ma-scam.

“A lot of people are falling victim into lending schemes, we are reminding the public to be vigilant and beware of these through the tips we constantly send the public via our social media channels and we are happy with the strengthened partnership with GCash for this cybersecurity public service campaign,” wika ni PNP-ACG Spokesperson, PCapt Michelle Sabino.

Ang GCash ay kabilang din sa mga nagpapautang gamit ang mga produktong GCredit, GGives, at GLoan na nasa platform na protektado ng makabagong teknolohiya. Noong 2022, ang GCash ay naglabas ng higit P70-billion loan transactions kaya naging isa ito sa pinaka-pinagkakatiwalaang nagpapautang.

"More than just offering secure, convenient and accessible loan products, we at GCash aim to empower our customers with the knowledge and tools to protect themselves against online lending scams. By educating them about the importance of SEC-listed lending apps, we are helping ensure their financial safety," sabi ni Fuse Lending CEO Tony Isidro.

Para sa mga gustong umutang sa ibang lending company ay nagbigay ng ilang payo ang GCash para maging ligtas. 

Ang kakulangan sa impormasyon pagdating sa pag-utang ay maaaring maging dahilan para ma-scam o mapunta sa mga abusadong lending companies na may kahina-hinalang interes na posible pang mauwi sa pangha-harass. Para ito ay maiwasan, mahalagang basahin nang mabuti ang kasunduan sa app bago magpatuloy. Dapat ding siguruhin muna na lehitimo ang pagpapasahan ng ID para maiwasan ang hindi awtorisadong paggamit nito. Mainam din na umiwas sa pakikipagtransaksyon sa mga indibidwal na nakilala lang online at maging maingat sa mga processing fees na kadalasan ay palatandaan na ito ay scam.

Ang pagberipika na ang lending app ay rehistrado sa SEC ang pinakaepektibong paraan para makaiwas maging biktima ng mga scammers, cybercriminals at iba pang manloloko. Maaaring tingnan ang listahan sa website ng SEC sa https://www.sec.gov.ph. Kapag nakita na ang lending app ay hindi rehistrado sa SEC, importante na i-report ito agad.

Para sa mga lending apps na nagbibigay ng pera gamit ang e-wallet, muling nagbabala ang GCash na huwag ipamigay ang MPIN, OTP at iwasang mag-click sa mga hindi kilalang link mula sa websites, emails at messaging apps. 

Para sa mga nangangailangan ng tulong, maaaring makipag-ugnayan sa PNP-ACG sa kanilang hotline na (02) 8414-1560 at 0998-598-8116, o sa kanilang email na [email protected]. Para isumbong ang mga scams at mapanlinlang na gawain, maaaring bisitahin ang official GCash Help Center sa help.gcash.com o magpadala ng mensahe kay Gigi sa website at i-type ang “I want to report a scam.” Puwede ring tumawag sa GCash hotline na 2882 para sa iba pang katanungan.

GCASH

LENDING OPERATION

MICRO LENDING

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with