^

Bansa

Mayon tuloy sa pagbuga ng lava; volcanic earthquakes at mga rockfall naitala

James Relativo - Philstar.com
Mayon tuloy sa pagbuga ng lava; volcanic earthquakes at mga rockfall naitala
Mayon volcano continues to spew lava on June 14, 2023 in Albay.
STAR/ Edd Gumban

MANILA, Philippines — Walang humpay pa rin sa pag-aalburoto ang Bulkang Mayon sa probinsya ng Albay, bagay na nagbabadya pa rin ng peligro sa mga Bikolano dulot ng pag-agos ng lava, pagguho ng mga bato at posibleng pagputok.

"Mabagal [ang] pagdaloy ng lava [sa Mayon] na may haba na 2.5km sa Mi-isi Gully at 1.8km sa Bonga Gully at pagguho ng lava hanggang 3.3km mula sa crater," wika ng Phivolcs sa isang pahayag, Miyerkules.

Naitala sa nakalipas na 24 ang mga sumusunod habang nasa ilalim ito ng Alert Level 3:

  • volcanic earthquakes: 2
  • rockfall events: 299
  • dome-collapse pyroclastic density current events: 7
  • sulfur dioxide flux: 507 tonelada/araw (20 Hunyo 2023)
  • plume: 800 metrong taas; katamtamang pagsingaw; napadpad sa gawing kanluran
  • ground deformation: namamaga ang bulkan

Umabot na sa 20,221 katao ang lumilikas dahil sa pag-aalburoto ng Mayon sa Kabikulan, dahilan para sumilong muna sa mga evacuation centers ang 18,899 katao.

Una nang ibinalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na umabot na sa 628 ang sugatan dulot ng mataas na aktibidad ng bulkan. Gayunpaman, tinanggal muna ito ng NDRRMC ngayong araw dahil sa dumadaan pa ito sa validation.

Ipinagbabawal pa rin ngayon ng mga dalubhasa mula sa Phivolcs ang pagpasok sa anim kilometrong radius permanent danger zone at pagpapalipad ng anumang eroplano sa ibabaw ng bulkan.

Babala pa ng state volcanologists, maaaring maganap ang alinman sa mga sumusunod sa ngayon:

  • pagguho ng bato
  • pag-itsa ng mga tipak ng lava o bato
  • pag-agos ng lava
  • uson
  • katamtamang pagputok
  • pag-agos ng lahar kung may matinding pag-ulan

Kasalukuyan pa ring nasa state of calamity ang 18 lungsod at munisipalidad ng Albay dahilan para makontrol doon sa ngayon ang mga presyo ng bilihin.

Nakapaglaan naman na ng nasa P73.92 milyong halaga ng ayuda para sa mga nasalanta ng bulkan sa porma ng malinis na inuming tubig, pagkain, tulong pinansyal atbp.

LAVA

MAYON

NDRRMC

PHIVOLCS

VOLCANIC EARTHQUAKE

VOLCANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with