^

Bansa

Limit sa rami ng Motorcycle taxis, hiling alisin na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Limit sa rami ng Motorcycle taxis, hiling alisin na
“Kapag inalis ng LTFRB (Land Transportation Franchising and Regulatory Board) ang limit sa numero ng MC taxis, mapagsisilbihan nito hindi lang ang interes ng milyun-milyong pasahero kundi pati na rin ang kabuhayan ng libo-libong kuwalipikadong riders at kanilang mga pamilya,” anang dating kongresista na si Atty. Kit Belmonte na siyang tumatayong co-convenor ng Citi­zenWatch.
The STAR / Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Nananawagan ang CitizenWatch Philippines sa mga opisyal ng transportasyon na alisin na ang limitasyon sa rami ng Motorcycle (MC) taxis para matiyak na mabibigyan ng mura, ligtas, at maginhawang pagbibiyahe ang publikong Pilipino.

“Kapag inalis ng LTFRB (Land Transportation Franchising and Regulatory Board) ang limit sa numero ng MC taxis, mapagsisilbihan nito hindi lang ang interes ng milyun-milyong pasahero kundi pati na rin ang kabuhayan ng libo-libong kuwalipikadong riders at kanilang mga pamilya,” anang dating kongresista na si Atty. Kit Belmonte na siyang tumatayong co-convenor ng Citi­zenWatch.

Binigyang-diin ni Belmonte na dahil sa pangkabuuang kakulangan sa transportas­yon (kabilang ang MC taxis), napipilitan tuloy ang mga pasahero na sumakay sa mga ilegal na habal-habal upang makauwi agad galing trabaho at hindi na pumi­la at makipagsiksikan pa sa mga dyip at bus.

Dahil dito, aniya’y nalalagay sa panganib ang kaligtasan ng commuters at lalo silang napapamahal sa pamasahe.

Ang habal-habal ay isang uri ng transportasyon na wala pang regulasyon ng pamahalaan, walang accident insu­rance, kontratahan ang singilan kaya mahal, at kulang sa karanasan at training ang mga tsuper nito.

Kaugnay nito, sinabi ni Belmonte na suportado ng kanilang grupo ang itinutulak ni Sen. Raffy Tulfo na gawing legal ang habal-habal at makatutulong aniya ang MC operators na mabigyan ng tamang training ang habal-habal riders.

MOTORCYCLE TAXIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with