^

Bansa

Teodoro, Herbosa aprub sa Senado at Kamara

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Teodoro, Herbosa aprub sa Senado at Kamara
Pinangasiwaan ni Pres. Bongbong Marcos ang panunumpa ni Gilbert Teodoro bilang bagong kalihim ng Department of National Defense (DND) sa Malacañang.
KJ Rosales/PPA Pool

MANILA, Philippines — Naniniwala ang mga senador na sapat ang kakayahan ng mga bagong itinalagang Kalihim sa Department of Defense (DND) at Department of Health (DOH) para pamunuan ang mga ahensya.

Ayon kay Senate Minority Leader Koko Pimentel, sina Defense Secretary Gibo Teodoro at Health Secretary Teodoro Herbosa ay parehong may karanasan sa larangan na iniatas sa kanila kaya naman tiyak na mapapatakbo ng maayos ng mga Kalihim ang kanilang mga tanggapan.

Sinabi pa ni Pimentel na, magiging hamon sa nagbabalik na DND Secretary ang lumala­king geopolitical tension sa pagitan ng China-Taiwan-US habang sa bagong DOH Secretary naman ay ang nag-uumapaw pa ring problema sa kalusugan na kinakaharap pa rin ng mga Pilipino.

Para naman kay Sen. Grace Poe, tiwala siya na ang expertise at experience nina Teodoro at Herbosa ay makakatulong para magampanan ng mga ito napakaraming trabaho at mabigat na tungkulin.

Dagdag pa ni Poe, ang pagkakaroon na ng mga Kalihim sa DND at DOH ay napakahalaga para sa pagpapasya at pagpapatupad ng mga estratehiya para sa pagtugon sa iba’t ibang isyung pangkalusugan at pagtaguyod sa territorial integrity ng bansa.

Para naman kay Sen. Chiz Escudero, pareho niyang nakatrabaho noon sina Teodoro at Herbosa at ang kakayahan, integridad at katapatan ng mga ito ay hindi makukwestyon at makabubuti para sa Marcos Jr. administration.

Binigyang-diin naman ni House Speaker Martin Romualdez na higit na magpapatatag sa gabinete ni Pangulong Marcos ang pagtatalaga nito kina Teodoro at Herbosa.

“They are welcome additions to the President’s immediate official family. Their wealth of experience and knowledge in defense and health strengthen the Marcos Cabinet,” pahayag ni Romualdez. — Joy Cantos

vuukle comment

DEPARTMENT OF DEFENSE

GIBO TEODORO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with