^

Bansa

Pekeng ‘overseas employment certificates’ nagkalat sa online

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pekeng ‘overseas employment certificates’ nagkalat sa online
Inilabas ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang babala makaraang makasabat ng panibagong batch ng mga Pilipino na paalis ng bansa na gumagamit ng mga pekeng OEC.
The STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nagbabala sa publiko ang Bureau of Immigration (BI) lalo na sa mga magtatangka na bumiyahe palabas ng bansa na huwag nang tangkain na gumamit ng mga pekeng ‘overseas employment certificates (OEC)’ na makukuha ngayon sa online.

Inilabas ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang babala makaraang makasabat ng panibagong batch ng mga Pilipino na paalis ng bansa na gumagamit ng mga pekeng OEC.

Nasabat ang tatlong biktima ng human traffickers nitong nakaraang Martes sa NAIA Terminal 1 habang nagtatangkang lumipad patungo ng Warsaw, Poland.

Inamin ng mga biktima, isang babae at dalawang lalaki, na na-recruit sila sa social media at nakikipag-usap sa kanilang recruiter sa messenger.  Nagbayad umano sila ng tig-P70,000 at nagbayad ng dagdag na tig-P7,000 para sa pagpapabilis ng kanilang OEC, na natanggap nila sa kanilang email.

Sa pagsusuri ng BI, nakumpirma na peke ang kanilang OECs.

Bukod dito, isa pang insidente ng paggamit ng isang lalaki ng pekeng OECs ang nasabat naman sa Clark International Airport.

Patungo sana ng Dubai nitong Mayo 28 ang biktima upang magtrabaho bilang personnel manager ng isang service provider nang matukoy ng mga immigration officials na peke ang kaniyang ipinakitang dokumento.

OEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with