^

Bansa

'Not nice': 69% ng Pinoy naniniwalang mahirap makahanap ng trabaho ngayon, ayon sa SWS

James Relativo - Philstar.com
'Not nice': 69% ng Pinoy naniniwalang mahirap makahanap ng trabaho ngayon, ayon sa SWS
A staff member for an OFW deployment center talks on the phone in this undated file photo.
The STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Naniniwala ang karamihan ng Pilipinong napakahirap makahanap ng trabaho ngayon pero 50% ang positibong darami ang mga oportunidad para sa kanila sa susunod na 12 buwan, ayon sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ito ang lumabas sa isang survey na ikinasa ng SWS nitong ika-26 hanggang ika-29 ng Marso, bagay na isinapubliko lang nitong Huwebes.

"Sixty-nine percent of Filipino adults say jobs are hard to find these days. Half [50%] are hopeful there will be more jobs 12 months from now," sabi ng SWS sa isang pahayag kahapon.

"Finding a job has always been HARD since 2011."

Narito ang breakdown ng mga resulta sa naturang pag-aaral:

  • nadadalian maghanap ng trabaho ngayon: 11%
  • hindi nadadalian o nahihirapan: 16%
  • nahihirapan: 69%
  • hindi alam: 4%

Ganito ang itsura ng survey kahit na bumaba patungong 4.7% (Marso) ang unemployment rate, ayon sa huling pag-aaral ng Philippine Statistics Authority. Katumbas 'yan ng 2.42 milyong Pilipino na walang trabaho. Gayunpaman, bahagya lang ang pagbaba ng unemployment rate mula 4.8% noong Pebrero.

Sinasabi ng gobyerno na tumaas din ang porsyento ng mga taong may trabaho sa 95.3% noong parehong buwan, bagay na katumbas ng 48.58 milyon. Mas mataas 'yan ng 1.61 milyon kumpara noong Marso 2022.

Sa kabila nito, 5.44 milyong katao pa rin ang underemployed o 'yung mga gusto ng dagdag na oras ng trabaho o dagdag na trabaho upang madagdagan ang kita.

Marami pa rin ang optimisiko na darami pa ang trabahong pwedeng makuha sa susunod na taon, dagdag ng pag-aaral ng SWS:

  • mas maraming trabaho sa susunod na 12 buwan: 50%
  • walang pagbabago: 26%
  • mas kaonti: 10%
  • hindi alam: 14%

"Since 2009, except during the height of the COVID-19 pandemic, Filipinos have been more optimistic about job availability," wika pa ng survey firm.

Matatandaang bumulwak sa 17.7% ang kawalang trabaho noong Abril 2020, ang pinakamataas na maaaring ikumpara sa kasaysayan ng Pilipinas, kasabay ng mga mahihigpit na enhanced community quarantine at lockdowns laban sa COVID-19.

Katumbas 'yan ng 7.3 milyong Pilipino na naapektuhan sa mga pagsasara ng mga estabisyamento at pagpigil sa pagkilos ng tao.

Ang survey ng SWS ay ginawa sa 1,200 kataong edad 18-anyos pataas sa buong Pilipinas. Meron itong sampling error margin na ±2.8% at ginawa gamit ang harapang panayam.

Miyerkules lang nang iulat din ng SWS na nasa 19% pa rin ang joblessness kung titignan ang adult labor force. Mas mababa man sa 21.3% noong Disyembre, mas mataas pa rin ito sa 17.5% noong Disyembre 2019 bago tumama ang COVID-19.

ECONOMY

JOBLESSNESS

SOCIAL WEATHER STATION

UNEMPLOYMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with