^

Bansa

Online shopping protektado sa GInsure

Philstar.com
Online shopping protektado sa GInsure
Sa 2022 Consumer Pulse Study, hindi bababa sa 45% ng mga Pinoy na nakibahagi sa pag-aaral ang nagsabi na naging target sila ng online fraud schemes.
Pixabay

MANILA, Philippines — Hindi na dapat mabahala sa online scams kapag mamimili ng essentials, beauty products at fashion items.

Ang pinaghirapang kitaing pera ay hindi na masasayang kapag nag-avail ng GInsure mula sa GCash.

Ang GInsure ng GCash at ang insurance provider Chubb ay nagtuwang upang ipakilala ang Online Shopping Protect (OSP), kung saan ang eligible items ay naka-insure mula sa mga hindi inaasahang pangyayari tulad ng aksidenteng pagkasira ng mga item, ninakaw, hindi na-deliver, nasira habang ibinibiyahe o na-deliver ang item ngunit hindi nailarawan ng seller.

Magmula nang ilunsad noong December 2022, ang OSP feature ng Ginsure ay nakapagprotekta na ng mahigit 276,000 checkouts, carts at baskets mula sa scams.

Para i-activate ang feature, kailangan lamang gamitin ng shoppers ang GCash sa pag-check out sa kanilang online shopping platform. Sa sandaling ma-direct sa GCash, i- tick ang Online Shopping Protect checkbox para mag-apply ng insurance sa pagbili.

Bago magpatuloy, ang mga customer ay kailangang magbigay ng consent o pahintulot para i-share ang pangalan, petsa ng kapanganakan, mobile number at email sa insurance provider. Pagkatapos nito, maaari nang magpatuloy ang shoppers sa kanilang online shopping, na ngayon ay may proteksiyon.

Sa GInsure feature, maaari nang mamili online nang walang alalahanin. Kung wala pang GCash app, i-download ang app nang libre sa Google Play Store para sa Android, App Store para sa iPhone at iPad users, o Huawei Gallery.

Sa 2022 Consumer Pulse Study, hindi bababa sa 45% ng mga Pinoy na nakibahagi sa pag-aaral ang nagsabi na naging target sila ng online fraud schemes kung saan ang pinakamaraming attempts ay naitala sa logistics industry, na natuklasang nakaranas ng 263% na pagtaas mula noong nakaraang taon.

vuukle comment

ONLINE SHOPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with