^

Bansa

Yassi Pressman bukas maging bahagi ng 'Batang Quiapo'

James Relativo - Pilipino Star Ngayon
Yassi Pressman bukas maging bahagi ng 'Batang Quiapo'
Litrato ni Yassi Pressman
Mula sa Instagram account ni Yassi Pressman

MANILA, Philippines — Aminado ang aktres na si Yassi Pressman na miss na niya ang mga dating nakatrabaho sa "FPJ's Ang Probinsyano" — ang marami sa kanila ay nasa "Batang Quiapo" na pinagbibidahan ng dati niyang leading man na si Coco Martin.

"Oo naman po [open akong maging parte ng 'Batang Quiapo']. Siyempre. That's my family at sobrang tagal na po naming nagsama. 'Yung parang araw-araw na magkasama kayong lahat ay nakaka-miss din siyempre," sabi niya sa panayam ng "Magandang Buhay" na inere ngayong Miyerkules.

Matatandaang si Yassi (Alyana) ang naging asawa ni Coco (Cardo) sa "Probinsyano" nang ilang taon. Sa kabila nito, biglang pinatay ang kanyang karakter sa kalagitnaan ng palabas, dahilan para hindi niya inabutan ang pagtatapos ng longest-running drama series sa telebisyong Pilipino.

Si Lovi Poe (Mokang) na ang bagong leading lady ni Coco (Tanggol) sa bagong Kapamilya serye.

Dagdag pa niya, napanuod pa niya ang "Batang Quiapo" noong unang episode nito at hanga naman daw siya sa pagganap ng mga artista sa palabas.

"Nagshu-shooting ako ng 'Kurdapya' tapos nung dinner break namin pinanood ko. Sabi ko, 'Ang huhusay pa rin talaga ng mga ito.' Ang galing-galing po talaga nila," dagdag pa ng aktres.

Bigla kayang makatambal ni Tanggol si Yassi sa hinaharap? Alamin.

Ang "FPJ's Batang Quiapo" ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa A2Z, TV5, iWantTFC, TFC, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at Cinemo.

vuukle comment

ANG PROBINSYANO

BATANG QUIAPO

COCO MARTIN

YASSI PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with