^

Bansa

De Lima inabswelto ng korte sa ika-2 kaso kaugnay ng droga

James Relativo - Philstar.com

MANILA, Philippines (Update 2 10:00 a.m.) — Ibinasura ng isang korte sa Muntinpula ngayong Biyernes ang ikalawang kasong kinakaharap ni dating Sen. Leila de Lima kaugnay ng iligal na droga — ito matapos aminin ng isa sa mga susing testigo na gumawa siya noon ng pekeng alegasyon laban sa akusado.

Nakita ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 na hindi totoong tumanggap si De Lima ng P10 milyon mula sa ilang Bilibid inmates upang pondohan ang kanyang 2016 senatorial campaign,  perang nanggaling diumano sa iligal na kalakalan ng droga sa loob ng New Bilibid Prison.

"Answered prayers. What a glorious day. This is the beginning of my vindication," sabi ni De Lima habang sinasalubong ang grupo ng media kanina.
"Maraming, maraming salamat."

Dahil dito, dalawa na sa tatlong kaso kaugnay ng iligal na droga ang naipapanalo ng opposition figure. Matatandaang inabswelto rin noong 2021 si De Lima sa ibang kaso kaugnay ng droga.

Sa kabila nito, gumugulong pa ang isang kaso ang dating senadora kung kaya't mananatili pa rin siya sa kulungan.

"I am of course happy that with this second acquittal in the three cases filed against me, my release from more than six years of persecution draws nearer. I am extremely grateful to all those who stood by and prayed for me all these years," dagdag pa ni De Lima sa hiwalay na pahayag.

"Nagpapasalamat ako sa lahat ng naniwala at sumama sa aking laban. Hindi ninyo ako iniwan. Hindi ninyo ako pinabayaan. Maraming salamat sa inyong paninindigan na balang araw ay makakamit ko ang katarungan, lalaya, at makakasama kayong muli."

Patuloy din daw lalaban ang kanilang kampo upang makamit ang katarungan. Patunay daw itong hindi pa ito ang katapusan.

May 'reasonable doubt' kasi

Isa si Former Bureau of Corrections Officer-in-Charge Rafael Ragos sa mga nag-atras ng kanyang testimonya noon laban kay De Lima matapos sabihing pinwersa siya noong magsinungaling laban sa akusado.

Una nang sinabi ni Ragos na kinita siya noon si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre noong 2021 at pinilit umamin sa bagay na hindi nangyari. Ginawa raw niya ito upang hindi idawit sa kaso at sa halip gawin pang testigo.

Itinatanggi naman ito hanggang ngayon ni Aguirre.

Maliban kay Ragos, kumambyo rin noon sa kanilang akusasyon ang self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa at ang kanyang driver-bodyguard na si Marcelo Adorco. Binawi na rin ng kanyang kapwa akusado na si Ronnie Dayan, dati rin nyang aide, ang mga sinabi laban sa senadora. 

"The Court acquits both accussed [De Lima and Ronnie Dayan] on the ground of reasonable doubt," wika ng ruling na nilagdaan ni Presiding Judge Abraham Joseph Alcantara.

"The general rule is that recantations are hardly given much weight in the determination of a case and in the granting of a new trial. The rare exception is when there is no evidence sustaining the judgement of conviction other than the testimony of a witness or witneeses who are shown to have made contradictory statements to the material facts under which circumstances the court may be led to a different conclusion."

"Under the circumstances of this case, the testimony of witness Ragos is necessary to sustain any possible conviction. Without his testimony, the crucial link to establish conspiracy is shrouded with reasonable doubt. Hence, this Court is constrainted to consider the subsequent retraction of witness Ragos. Ultimately, the retraction created reasonable doubt which warrants the acquittal of both accused."

 

 

Maliban kay Ragos, hinarap din sa prosekusyon ang isang Intelligent Agent na si Jovencio Ablen Jr. na una nang tumestigong nag-deliver ng pera kina Dayan at De Lima. Gayunpaman, si Ragos lang ang may personal na kaalaman kung saan nanggaling ang perang ito.

Paliwanag ng abogadong si Filibon Tacardon, napatunayang may iligal drug trade sa loob ng Bilibid ngunit walang naipakitang positibong ebidensyang mag-uugnay kay De Lima at Dayan doon.

"Binanggit din ng hukuman na importante ang naging recantation ni deputy director Ragos dahil nung binawi niya itong salaysay ay nawala ng tuluyan ang basehan ng akusasyon sa kanya at nagkaroon ng reasonable doubt laban kay Sen. Leila de Lima kaya dahil dito Sen. Leila de Lima was acquitted based," ani Tacardon.

"Hopeful pa rin kami na sana manaig ang katarungan, manaig ang katotohanan at siya ay mabigyan kahat pansamantalang laya kahit hinaharap niya ang huling kaso na isinampa sa kanya ng Duterte regime."

Kilalang human rights advocate si De Lima at kritiko ng madugong war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, bagay na pumatay na nang libu-libo. Sa palagay ng ilan, pagdidiin ito sa kanya noon ng dating administrasyon.

Anim na taon nang nakakulong si De Lima para sa mga naturang kaso simula pa noong Pebrero 2017, dahilan para ipanawagan nang maraming grupo pati na ng international community ang kanyang paglaya. — may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag

LEILA DE LIMA

NEW BILIBID PRISON

WAR ON DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with