^

Bansa

Nagparehistro ng SIM, 95 milyon na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Nagparehistro ng SIM, 95 milyon na
Sa pinakahuling tala ng National Telecommunications Commission (NTC), mula sa kabuuang SIM card registrants noong May 8, pinakamataas ang nakarehistro sa Smart Communications Inc., na nasa 44,982,292 o 67.84% ng kanilang subscribers.
Philstar.com / EC Toledo

MANILA, Philippines — Umabot na sa 95 milyon ang bilang ng mga SIM cards na nakarehistro o katumbas ng 56.56% ng halos 169 milyong telco subscribers sa bansa.

Sa pinakahuling tala ng National Telecommunications Commission (NTC), mula sa kabuuang SIM card registrants noong May 8, pinakamataas ang nakarehistro sa Smart Communications Inc., na nasa 44,982,292 o 67.84% ng kanilang subscribers.

Sinundan ito ng 43,709,775 sa Globe Telecom Inc., o katumbas ng higit kalahating porsyento na ng kanilang subscribers habang 6,337,347 ang nakarehistrong SIM sa DITO Telecommunity.

Patuloy namang hinihikayat ng NTC at DICT ang publiko na samantalahin ang extension ng SIM registration hanggang sa July 25 na extended deadline para sa pagpaparehistro. — Mer Layson

NTC

SIM CARD REGISTRATION ACT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with