^

Bansa

Rep. Teves sumailalim na sa ‘trial by publicity’ - VACC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala ang isang volunteer lawyer ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na sumasailalim na sa ‘trial by publicity’ si Negros Oriental 2nd District Rep. Arnulfo Teves matapos itong ituro na mastermind sa pamamaslang kay  dating Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon kay Atty. Ariel Jawid, nakakalungkot na hindi ebidensiya ang pinagbabatayan sa kaso kundi ang mga kutob at impresyon.

Sinabi ni Jawid na malaking kaso ang pagpatay kay Degamo subalit dapat na busisiin ang bawat anggulo at huwag muna irule out ang mga posibleng makapagbibigay linaw sa totoong motibo ng pamamaslang.

Malaking kuwestiyon din ang hindi pagsasampa ng kaso laban kay Teves kung totoong may sala ito. Aniya, mas tama ang proseso na kasuhan si Teves sa halip na pinagpipiyestahan ng publiko ang isyu.

Maituturing din aniya na ‘unfair’ ang treatment sa kaso dahil wala mismo si Teves upang ipagtanggol ang kanyang sarili.

Samantala, handa si Jawid na ipagtanggol sa korte si SSgt. Noel Alabata na kinasuhan ng double frustrated murder sa dalawang negosyante na sina Jason Ong at Sandy Tinguha noong 2021.

Giit ni Jawid, walang kinalaman si Alabata sa Degamo killings.

vuukle comment

ARNULFO TEVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with