^

Bansa

Bong Go: Pagkatakot sa bakuna, resolbahin ‘A disaster waiting to happen’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nababahala si Senator Christopher “Bong” Go sa mga ulat na halos kalahati ng mga batang Pilipino ay hindi pa ganap na nabakunahan laban sa mga karaniwang sakit, tulad ng tigdas at polio.

Dahil dito, kumilos na si Go at hinimok ang mga awtoridad sa kalusugan, partikular ang Department of Health, na lutasin ang pag-aalinlangan sa bakuna at isulong ang kamalayan sa kahalagahan nito, lalo sa grassroots.

“As per report po, 57% lang ng target na mga kabataan sa buong bansa ang fully immunized po mula 2012 to 2021. Masyadong malayo po ito sa target ng DOH. Alam n’yo, this is a disaster waiting to happen,” ani Go matapos niyang saksihan ang groundbreaking ng Bago City Super Health Center sa Negros Occidental.

Sa ulat, binanggit ng United Nations Children’s Fund (Unicef) na ang tiwala sa pagbibigay ng mga bakuna sa mga batang Pilipino ay bumaba nang halos 25% o katumbas ng hindi bababa sa 67 milyong bata.

Binigyang-diin ni Go, pinuno ng Senate committee on health and demography, na kinakailangan ng isang mas komprehensibong diskarte upang labanan ang mga maling impormasyon ukol sa bakuna para maibalik ang tiwala ng publiko.

Idinagdag niya na ang pagkatakot o pag-aalinla­ngan ng marami sa bakuna ay nagdudulot ng malaking balakid sa epektibong pagkontrol sa pagkalat ng mga sakit.

Kaya naman nanawagan siya sa mga kinauukulang ahensya at awtoridad sa kalusugan na tiyakin ang accessibility ng mga bakuna upang madaling maibigay sa mas maraming Pilipino hangga’t maaari.

DOH

POLIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with