'Amang' naging LPA na lang, pauulanin Metro Manila

MANILA, Philippines (Updated 12:11 p.m.) — Tuluyan nang humina ang noo'y bagyong "Amang" hanggang sa maging remnant low na lamang — kaso, pauulanin pa rin nito ang maraming lugar sa Luzon.

Bandang 10 a.m. nang mamataan ang LPA sa ibabaw ng coastal waters malapit sa Polillo, Quezon, ayon sa huling taya ng PAGASA ngayong Huwebes.

Wala nang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal sa ngayon, ngunit pauulanin naman ng natirang low pressure area ang ilang lugar.

Aabot sa 25 millimeters na accumulated rainfall ang mararanasan sa mga sumusunod na lugar mula Huwebes hanggang Biyernes ng umaga:

  • Central Luzon
  • Metro Manila
  • CALABARZON

Aabot ang matitipon na ulan sa 55 mm sa ilang lugar gaya ng Aurora at Quezon dahil sa mga kalat-kalat na rainshowers at thunderstorms.

Sa kabila ng pagkawala ng bagyo, nananatili ang posibilidad ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa lalo na sa mga lugar na makararans ng matitinding ulan nitong mga nagdaang araw.

"AMANG weakened into a Low Pressure Area at 8:00 AM today. The remnant circulation of 'Amang' is forecast to track general northwestward or westnorthward towarda Polillo Islands and northern mainland Quezon, " patuloy ng state weather bureau.

Nakikitang malulusaw ang weather disturbance sa susunod na 24 oras.

Show comments