'Amang' halos hindi gumagalaw malapit Catanduanes; 10 lugar sa ilalim ng Signal no. 1
MANILA, Philippines — Paliko-liko ngayon sa ibabaw ng Lagonoy Gulf malapit sa Catanduanes ang bagyong "Amang," habang pinauulan pa rin ito ang maraming lugar sa rehiyon ng Bikol at probinsya ng Quezon.
Bandang 7 a.m. nang mamataan ang sentro ng Tropical Depression Amang sa ibabaw ng coastal waters ng Virac, Catanduanes, ayon sa pinakasariwang ulat ng PAGASA ngayong Miyerkules.
- Lakas ng hangin: 45 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: hanggang 55 kilometro kada oras
- Pagkilos: halos hindi gumagalaw
Simula ngayong umaga hanggang bukas, mararanasan ang 50-100 millimeter na accumulated rainfail sa Camarines Norte, Camarines Sur at Quezon dulot pa rin ng bagyo.
"Under these conditions, isolated flashfloods and rain-induced landslides are possible, especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazard as identified in hazard maps and in localities that experienced considerable amounts of rainfall for the past several days," sabi ng PAGASA.
Sinasabing "minimal to minor threat to life and property" pa lang ang potensyal na epekto ng mga hangin.
Sa kabila nito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:
Signal no. 1
- Catanduanes
- Sorsogon
- Albay
- Camarines Sur
- Camarines Norte
- Ticao Island
- Burias Island
- silangang bahagi ng Laguna (San Pablo City, Rizal, Nagcarlan, Pila, Liliw, Magdalena, Majayjay, Luisiana, Cavinti, Pagsanjan, Santa Cruz, Lumban, Kalayaan, Paete, Pakil, Pangil, Siniloan, Famy, Santa Maria, Mabitac)
- Aurora
- Quezon
- silangang bahagi ng Rizal (Tanay, Pililla, Jala-Jala)
Nakikitang kikilos pakanluran hilagangkanluran sa susunod na 36 oras ang bagyong "Amang," dahilan para mapunta ang mata nito sa Camarines Provinces, Lamon Bay at mainland Quezon (may posibilidad tumawid sa Polillo Islands).
"Considering the weak and disorganized nature of this depression, considerable changes in the track forecast of succeeding bulletins are not ruled out," dagdag ng state weather bureau.
Tinatayang hihina ito at magiging low pressure area na lang sa Huwebes, o maaaring mas maaga pa dahil sa pinagsamang epekto ng land interaction, dry air intrusion at increasing vertical wind shear. — James Relativo
- Latest