Bong Go: China-Taiwan tension, OFWs tiyaking ligtas
MANILA, Philippines — Umapela si Senator Christopher “Bong” Go sa Department of Migrant Workers na tiyaking ligtas at maayos ang lagay ng overseas Filipino workers sa Taiwan sakaling magkaroon ng krisis sa hinaharap.
Ito ay matapos magpadala ang China ng mga barkong pandigma at sasakyang panghimpapawid malapit sa Taiwan kasunod ng pakikipagpulong ni Taiwanese President Tsai Ing-wen kay United States House Speaker Kevin McCarthy na nagdulot ng tensyon sa rehiyon.
“We must always be proactive and think ahead when it comes to the welfare of our fellow Filipinos abroad,” sabi ni Go.
“In light of recent events, we must take steps to ensure their safety and well-being, including preemptive measures like alternative livelihoods and repatriation plans,” dagdag niya.
Kamakailan ay nag-anunsyo ang Eastern Theater Command ng Chinese military na nagsimula na ito ng military drills sa paligid ng Taiwan.
Mayroong halos 150,000 OFW sa Taiwan, ayon sa DMW. Ang apela ni Go ay isang proactive na hakbang tungo sa pangangalaga sa kanilang kaligtasan sa anumang pagkakataon.
“The safety and welfare of our kababayans in Taiwan should always be our top priority,” idiniin ni Go.
“We need to ensure that they are safe and secure, especially during these times of heightened tensions,” aniya pa.
Nanawagan si Go sa Department of Foreign Affairs, DMW, at iba pang kinauukulang ahensya na bantayang mabuti ang sitwasyon at magbigay ng tulong sa mga OFW na maaaring maapektuhan ng tensyon.
- Latest