^

Bansa

Farm-gate price ng kamatis, bagsak sa P3 kada kilo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Farm-gate price ng kamatis, bagsak sa P3 kada kilo
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at spokesperson Kristine Evangelista, gumagawa sila ngayon ng hakbang para tulungan ang mga magsasaka lalo na sa Regions 2 at 3 upang makaiwas sa malaking gastos para madala sa mga palengke ang mga agri products.
STAR/File

MANILA, Philippines — Bumagsak sa P3 hanggang P5 ang farm-gate price ng kada kilo ng kamatis dahil nag-oversupply ito sa mga palengke at pamilihan.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at spokesperson Kristine Evangelista, gumagawa sila ngayon ng hakbang para tulungan ang mga magsasaka lalo na sa Regions 2 at 3 upang makaiwas sa malaking gastos para madala sa mga palengke ang mga agri products.

Anya, nagkaloob sila ng 10 trak para magamit ng mga magsasaka na madala ang produkto sa pamilihan o sa Kadiwa Centers.

Nakikipag-usap din anya ang ahensiya sa mga kooperatiba para bilhin ang agricultural products ng maliliit na magsasaka.

Kahit na mababa ang farm-gate price ng kamatis, nananatili naman ang retail price nito sa mga palengke at pamilihan sa Metro Manila ng mula P25-P60 kada kilo.

KAMATIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with