^

Bansa

Apela ng Newsnet, ibinasura ng Palasyo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Office of the President (OP) ang apela ng News and Entertainment Network Corporation (Newsnet) na mabaligtad ang isang desisyon ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na nagbabalewala sa naunang pagbibigay ng ahensiya ng “automatic approval” sa aplikasyon ng kompanya na “mag-install, mag-operate, at mag-maintain” ng isang Local Multi-point Distribution System o LMDS.

Pinagtibay ng Palas­yo na hindi saklaw ng Republic Act No. 11032 o ang “The Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018” ang mga aplikasyon kapag tungkol sa mga radio frequency assignments dahil nasa kapangyarihan dapat ito ng regulatory body ng pamahalaan at sa kasong ito’y ang National Telecommunications Commission (NTC).

Sa desisyon na may petsang Marso 31, 2023 at pirmado ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin sa ngalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., “moot and academic” na ang apela ng Newsnet na pagmamay-ari ng negosyanteng si Mel Velarde dahil nag-expire na rin ang legislative franchise ng korporasyon kaya’t diskuwalipikado na ito na makapag-operate ng mga radio transmitters at receivers, kabilang ang LMDS, at mabigyan ng kahit na anong radio frequency.

Ayon sa Palasyo, humatol na rito ang Department of Justice (DOJ) noon kung saan sinasabi na nagmalabis umano sa kapangyarihan ang ARTA nang paboran nito ang reklamo ng Newsnet at mag-utos sa NTC na magbigay ng radio frequency.

vuukle comment

ARTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with