^

Bansa

Eksperto may babala sa pag-inom ng alak, matatamis ngayong summer  

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Eksperto may babala sa pag-inom ng alak, matatamis ngayong summer   
File photo ng alak
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nagbabala ang isang health expert sa publiko na mahilig uminom ng matatamis na inumin o alak ngayong tag-init dahil sa magdudulot umano ito ng ‘dehydration’ o iba pang pisikal na epekto sa katawan dahil sa ‘heat exhaustion’.

“Huwag masyadong iinom at kakain nang matamis. ‘Yung sugar, aanuhin niya yung tubig para lumabas. Kaya yung softdrinks hindi natin binibigay sa mga uhaw na uhaw kasi lalo kang uuhawin. Iihi ka,” ayon kay Dr. Benito Atienza, vice president ng Philippine Federation of Professional Associations.

“Lalo na yung alkohol, dapat bawasan ang alkohol during summer. ‘Yung meaty foods, pagkain natin, not so much sa protein kasi di ma-digest ‘yung meat,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Dr. Atienza, na pinakamasama rin ang pagtatrabaho sa labas sa pagitan ng alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon, ang mga oras na pinakamainit ang temparatura.

Pinaka-epektibo pa rin umano para ma-hydrate ang katawan ay ang pag-inom ng dalawang litro ng tubig kada araw at kumain ng mga matutubig na prutas tulad ng pakwan.

Para sa mga atleta, maaaring uminom ng sports drinks ngunit dapat kontrolado rin ito dahil sa maaaring magdulot ito ng sobrang pagtaas ng presyon ng dugo.

Samantala, may babala rin ang Department of Health (DOH) sa publiko sa posibleng pagkalat ng sakit dahil sa krisis sa tubig na idudulot ng El Niño.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, maaaring makaranas ang publiko ng sakit na ‘cholera, typhoid fever at pagtaas ng sakit na dengue.  Ang naturang mga sakit ay maaaring idulot ng maling pag-iimbak ng tubig lalo na kung walang takip na siyang pinangingitlugan ng mga lamok.

PHILIPPINE FEDERATION OF PROFESSIONAL ASSOCIATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with