^

Bansa

PSN, higit pang mapapalapit sa puso ng bawat Pilipino

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Asahan nang higit pang mapapalapit ngayon sa komunidad at bawat pamilyang Pilipino ang nangu­ngunang pahayagang tagalog sa ating bansa, ang Pilipino Star Ngayon (PSN).

Ayon kay Ms. Edna V. Abong, Adverti­sing Manager ng PSN, ngayong taon ay ti­nututukan nila ang pagsasagawa ng iba’t ibang aktibidad sa mga kanayunan.

Sa katunayan, pu­nong-puno aniya ang kanilang kalendaryo ngayong taon ng iba’t ibang mga aktibidad.

Paliwanag niya, noong kasagsagan ng panahon ng pandemya ng COVID-19, nagsagawa sila ng mga digital webinars hinggil sa mga maiinit na isyu, na makapagbibigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon sa mga mamamayan, kahit pa nagpapatupad ng paghihigpit o restriksiyon ang pamahalaan.

Ngunit ngayon ani­yang nagluwag na ang pamahalaan at malaya na muling makalabas ang mga mamamayan, nagsasagawa na rin sila ng face-to-face seminars upang mas mailapit pa sa puso ng bawat Pilipino ang PSN.

“So, this year, our calendar is full of events. We’re now on event activation.Because in the past two years, because of the pandemic, we’ve been mounting mga digital webinars,” ani Abong.

“But we bring this webinars on the ground now to reach our readers and our supporters,” saad ni Abong. “Para mas intimate, kasi face-to- face ito.”

Aniya, kada buwan ay mayroon silang mga aktibidad, gaya ng ‘Wais sa Kuwarta,” kung saan, nakiki­pag-partner aniya sila sa mga local government units (LGUs) upang maging mas matagumpay ang naturang aktibidad at hi­git pang makapaghatid ng tuwa at saya sa mga mambabasa.

Ang unang bahagi aniya nito ay isinagawa sa Quezon City, sa Distrito 2, na personal pang dinaluhan ni Konsehal Mikey Belmonte.

Ang ikalawang bahagi naman aniya nito ay isasagawa rin sa Quezon City, sa distritong sakop naman ni Cong. Arjo Atayde.

Sinabi pa ni Abong na inilunsad rin nila ang programang Pista sa Nayon, tulad ng Pahiyas sa Lukban, at sa Los Baños, Laguna.

Isa pa aniya sa kanilang pinagha­handaan sa ngayon ay ang pagdaraos ng health webinars sa Agosto upang makapagbigay ng gabay at impormasyon sa tamang panga­ngalaga ng ating kalusugan.

Ipinagmalaki rin naman ni Abong na naging matagumpay ang unang bahagi ng kanilang iba’t ibang proyekto dahil sa direkta ring partisipasyon ng kanilang mga tagasubaybay sa tulong na rin ng kanilang mga sponsor sa pangunguna ng Globe at PLDT.

Nangako rin naman si Abong na marami pang dapat na asahan ang mga tagasubaybay ng PSN mula sa paha­yagan, na iaanunsiyo nila sa mga susunod na araw

Tiniyak pa niya na patuloy silang magsasagawa ng mga programa at aktibidad na magiging kapaki-pakinabang sa publiko.

Binigyang-diin naman ni Abong na ang mga proyektong ito ang ilan lamang sa mga dahilan kung bakit nananatiling numero uno ang PSN sa puso ng mga mamamayang Pilipino.

vuukle comment

PSN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with