^

Bansa

'Inosente': QC Tokhang survivor inabswelto ng korte, hindi nanlaban vs pulis

Philstar.com
'Inosente': QC Tokhang survivor inabswelto ng korte, hindi nanlaban vs pulis
Satellite image ng Payatas, Quezon City mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Pinawalang-sala ng Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 133 si Efren Morillo na na-akusahan ng otoridad na "nanlaban" diumano sa isang operasyon kontra droga noong Agosto 2016.

Sa desisyon ng korte noong ika-3 ng Marso na ngayong Biyernes lang isinapubliko, sinabi ng QC MeTC na hindi sila makahanap ng ebidensya na pinaputukan ni Morillo ng baril ang ilang pulis sa Payatas.

"WHEREFORE, in view of the foregoing, accused EFREN MORILLO y MENDOZA is hereby ACQUITTED of Direct Assault Upon an Agent to Agents of a Person in Authority... for failure of the Prosecution to prove his guilt beyond reasonable doubt," ayon sa desisyong nilagdaan ni Presiding Judge Gloria Monica Lopez-Lao.

 

 

Si Morillo ang nag-iisang survivor sa Tokhang operation na nangyari noon sa Payatas. Nabaril noon sa dibdib si Morillo at "nagkunwaring patay" habang nasa gitna ng drug operation. Apat sa mga kasama niya ang napatay ng mga pulis.

Sinasabing nakaligtas siya matapos gumapang malapit sa isang bangin hanggang sa makatakas at makapagpagaling.  Inaresto siya kalaunan at inakusahang namaril ng apat na pulis.

Matatandaang kinasuhan niya noon sina Senior Inspector Emil de los Santos, PO3 Allan Formilleza, PO1 James Aggarao at PO1 Melchor Navisaga ng apat ng counts ng murder at isang count ng frustrated murder kada tao.

"Prosecution witness P03 Formilleza contradicted the material averments in the Information when he testified that PSI Garcia was not with them when the alleged shootout happened and that he merely arrived after receiving a call," patuloy pa ni Lopez-Lao.

"It is settled that the presumption of innocence of an accused is a fundamental constitutional right that should be upheld at all times."

Maliban sa hindi nakita ng mga pulis na nagpaputok si Morillo ng baril, napag-alaman din ng korte na bigong patunayan ng prosekusyon na si Morillo ang nagmamay-ari ng baril na itinuturong ginamit niya. Nagnegatibo rin siya sa nitrate powder nang idaan sa paraffin test.

Nangyayari ito ilang araw matapos mapatunayang "guilty" ng isang Navotas court ang dating pulis na si Jeffrey Perez sa pag-murder ng teenagers na sina Carl Arnaiz at Reynaldo "Kulot" de Guzman noong 2017, bagay na pare-parehong nangyari noong kalagitnaan ng madugong war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nobyembre 2022 lang mapatunayan ng korte na tinorture at tinaniman ng ebidensya ni Perez ang dalawa— James Relativo at may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag

PAYATAS

QUEZON CITY

TOKHANG

WAR ON DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->