^

Bansa

Barangay chairman, misis todas sa ambush

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Barangay chairman, misis todas sa ambush
Kapwa dead-on-the spot ang mga biktima na kinilalang sina Brgy. Manguiao chairman Mario Tundag, 57, at misis na si Edna, 49.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang barangay captain at misis nito nang paulanan ng bala ng ridin-in-tandem habang sakay ng kanilang motorsiklo kahapon ng umaga sa Cebu City.

Kapwa dead-on-the spot ang mga biktima na kinilalang sina Brgy. Manguiao chairman Mario Tundag, 57, at misis na si Edna, 49.

Ayon kay Asturias Police Chief P/Maj. Alden Zambrano, nangyari ang krimen dakong alas-9 ng umaga sa Brgy. Poblacion Uno, Asturias, Cebu.

Sakay ang mag-asawa ng kanilang motorsiklo nang biglang pagbabarilin ng mga suspek na kapwa armado ng kalibre .45 na baril.

Lumilitaw na sinusundan na ng mga suspek ang mga biktima mula Balamban hanggang sa makarating sa Asturias ay dun na sila tinambangan at pagbabarilin.

Inaalam na ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa pamamaslang gayundin ang pagsasagawa ng checkpoint upang madakip ang mga tumakas na suspek.

vuukle comment

ASTURIAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with