^

Bansa

PSN saludo sa mga kababaihan  

Lanie B. Mate - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa pagdiriwang ngayon ng ika-37 ani­bersaryo ng Pilipino Star NGAYON, kasabay nito ang  pagsaludo sa ating mga kababaihan na binibigyan din ng pagpupugay bilang pagbubunhi ng Girls’ and Women’s Empowerment na ang theme ngayong taon ay We Make Change Work for WOMEN ngayong buwan ng Marso. Ang layunin ng pagdiriwang ng Women’s Right ay tungo sa ikakaunlad ng mga kababaihan sa lahat ng aspeto ng lipunan na kanilang ginagalawan.

Bale ba, sa loob ng tatlumpu’t pitong taon ng PSN na mula pa noon ay kasangga na ng mga kababaihan ang pahayagan na ipinag­lalaban ang mga karapatan; at ang matapang na ipinapahayag ang pagbabalita para sa kapakanan ng ating mga babae sa ating paligid.

Bilang tinaguriang diyaryong disente, kinokondena ng PSN ang mga karahasan at pang-aapi para sa ating mahal na kababaihan. Bagkus ay higit pang pinoprotektahan ng PSN sina nanay, ate, lola, tita, at mga nene kung ituring sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormas­yon upang lalo pang palakasin ang kakayahan at talento ng ating mga mahal sa buhay. 

Sa nagdaang mahigit na tatlong dekada at pitong taon, kakampi na ng mga kababaihan ang PSN na solidong kaagapay upang isulong ang mga karapatan na ipinaglalaban sa kahit anong kinabibilangan ng ating mga kababaihan.

Kung paano sa simu­la pa lamang ng pagbubuo ng International Women’s Day mula sa  orihinal na pagsisikap ng grupo mula sa Amerika na nagsanga-sanga sa iba’t ibang bansa. Hindi nagpahuli ang mga Pinay upang isulong din ang Women’s Month sa bansa bilang pagdiriwang ng mga tagumpay ng ating mga kababaihan. Lalo’t bigyan ng pansin kung paano palalakasin ang sinasabing empowerment at gender equa­lity na isyu, kahirapan, at ang masigasig na pagpupursige ng ating mga kababaihan.

Sa anomang layunin ng National Women’s Month para ipamalas ang mga achievements ng mga babae; higit lalo na ang labanan ang pagsasamantala sa mga biktima ng karahasan, kahirapan, at sa mga hindi inaasahang pagkakataon. Tiyak ang PSN ay kaagapay na ng ating kababaihan. Upang paigtingin ang proteksyon at palakasin ang mga adhikain ng ating mga kakabaihan tungo sa kaunlaran.

Sa anomang laban ng mga babae, la­ging nakahanda ang PSN bilang kakampi ng masang kababaihan upang palakasin ang kanilang responsibilidad at kalayaan sa ating tahanan, paaralan, at sa ating mundo. Lingid sa kaalaman, marami sa mga babae ay may mababa ang sinasahod na hindi naaayon sa law, kulang ang proteksyon pagdating sa batas, nakararanas ng harassment sa trabaho, o kalupitan sa kanilang pribadong buhay. Lalo na ang empleyado na madalas ay naaabuso rin. 

Sa pagdiriwang ng National Women’s Month ay muling ipinaalala kung gaano kahalaga ang karapatan at kakayahan ng mga kababaihan sa ating lipunan. Panahon na upang baguhin ang kapalaran ng mga babae na may malaking ambag sa simpleng mundong kanyang ginagalawan.

Kaya sa anomang hamon sa ating mga kababaihan, patuloy na magiging boses ang bawat pahina ng PSN sa bawat buhay ng lahi ni Eba sa ating lipunan.

PILIPINO STAR NGAYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with