^

Bansa

3 dabarkads na millennials, ‘adik’ sa PSN

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa loob ng 37 taon na paghahatid ng Pilipino Star Ngayon (PSN) ng mga makabu­luhang balita at impor­masyon sa masang Pi­li­pino, masasabing kum­­pleto na ang nilalaman ng numero unong tabloid sa Pilipinas.

Bukod sa mga nangyayari sa loob at labas ng bansa, nariyan na rin ang tungkol sa show­biz, libangan tulad ng puzzle at mga trivia ga­yundin ang tungkol sa sports at opinyon.

Para kay Aileen Aparri­, 42-anyos na taga-Quezon City at da­ting Youth leader sa Fairview at staff ni Konsehal Ram Medalla­, nais niya na muling mabasa ang tila comics at pocket book sa pahayagan tulad­ ng mga isinusulat ng mga batikang manunu­lat na sina Helen Meri, Hilda Olvidado at Lual­hati Bautista.

Salaysay pa ni Aparri ­na sa mga ganitong babasahin umiikot ang kanyang pantasya at na­lilibang pa siya, bukod dito bilang dating youth leader na madalas na naiimbitahang­ magsalita sa mga pag­titipon, isa ang PSN sa kanyang mga pinagkukunan ng impormas­yon tungkol sa mga nang­yayari sa paligid at mga current events.

Kung si Arlyn Big­lang-Awa, 42, naman ang tatanungin na isang guro sa Universidad de Manila, nais niya na maglagay ng pahina tungkol sa fashion at usapang Hollywood.

Sinabi pa ni Biglang-Awa na masarap na mabasa ang tungkol sa may kinalaman sa fashion at makita ang mga write-ups na ito kasama ang mga naggagandahang larawan nila.

“Kasi alam nyo base sa mga recent research now ah very short Ang life span on focusing ng reader’s kahit ako I can exercise my critical thinking pag sustainable with pictures mas....lumalawak Ang kaisipan sa maliit na Oras ng pagbabasa,” ayon pa kay Biglang-awa.

Ang nais naman ni Charina Faustino, 42, ay ang pandaigdigang balita dahil ang kanyang kabiyak ay isang OFW.

Suhestiyon naman ni Faustino na magkaroon ng isang bahagi sa pahayagan na tungkol sa mga liham na padala na may mga istorya na pang adult (sabay malis­yosong tawa).

Sina Aparri, Biglang-Awa at Faustino ay 26 taon nang magbabar­kada simula pa lamang sa kanilang kolehiyo at tinagurian rin nila ang kanilang sarili na mga adik sa balita para lagi silang updated sa pa­ligid nila, na bagama’t mille­n­nials sila kaya pa rin nilang makipagsa­bayan sa lahat ng uri ng usapin maging sa politika man ito, showbiz, sports at iba dahil sa pagbabasa nila sa PSN.

At kahit mga millennials, mas pinipili pa rin nila ang pagbabasa­ ng tradisyunal na paha­yagan tulad ng PSN dahil dito ay wala kang mababasang fake news hindi tulad sa internet o digital na naglipana ang mga “Maritess news”.

PILIPINO STAR NGAYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with