^

Bansa

SB1812 vs smuggling, suportado ng mga magsasaka

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Suportado ng isang malaking grupo ng mga magsasaka ang panukala ni Sen. Lito Lapid na amyen­dahan ang kasalukuyang batas laban sa smuggling sa pamamagitan ng pagpapalawak sa sakop nito at pagpapataw ng mas mabigat na parusa.

Ayon sa Philippine Tobacco Growers Association (PTGA), ang Senate Bill 1812 na inakda ni Sen. Lapid ay layong masugpo ang ilegal na pagpupuslit ng mga produktong agrikultural kabilang ang asukal, sibuyas at tabako sa bansa.

Ang PTGA na may 50,000 miyembro ay nanawagan sa Senado na pagtibayin ang panukala na layong amyendahan ang Republic Act 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

Sa panukala ni Lapid, palalawakin ang sakop ng RA 10845 para maisama ang tabako sa pangunahing listahan ng mga produktong agrikultural na nangangailangan ng sapat na proteksyon laban sa smuggling.

Sinabi ni PTGA president Saturnino Distor na ang lahat ng industriya sa agrikultura ay dapat iligtas sa malawakang pagpupuslit ng mga produkto na umaagaw sa pangkabuhayan ng milyun-milyong magsasakang Pilipino at kanilang pamilya.

May 2.2 milyong Pilipino ang umaasa sa industriya ng tabako, ayon sa National Tobacco Administration. May 5 hanggang 6 milyong tao naman ang nakikinabang sa industriya ng asukal, base sa tantiya ng Sugar Regulatory Administration.

Ipinaliwanag ni Distor na ang smuggling ay ikinalulugi mga magsasaka, pinapalitan ang mga lokal na ani na nagdudulot ng pagtaas ng presyo ng mga produkto sa merkado at nagpapahirap sa mga mamimili.

Sa tantiya ng Bureau of Internal Revenue, ang patuloy na smuggling ng tabako ay nagnanakaw ng P50 bilyon hanggang P100 bilyon sa kita at buwis ng gobyerno kada taon.

LITO LAPID

NATIONAL TOBACCO ADMINISTRATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with