^

Bansa

Hazard pay sa disaster response personnel, isinulong ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinikilala ang kanilang mga sakripisyo at mahalagang papel sa panahon ng kalamidad, inihain ni Senator Christopher “Bong” Go sa Senado ang panukalang batas na magbibigay ng hazard pay sa disaster response personnel.

Binigyang-diin ni Sen. Go na ang pinakamaliit na manggagawa ng gobyerno ay dapat lamang mabigyan ng maayos na kompensasyon.

Aamyendahan ng Se­nate Bill No. 1709 na inihain ni Go noong Enero 23 ang mga probisyon ng “Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010”.

Sa panukala, lahat ng mga tauhan ng Local Disaster Risk Reduction and Management Offices (LDRRMOs) sa mga probinsya, lungsod, at munisipalidad at lahat ng kinikilalang community disaster volunteer, anuman ang kanilang kata­yuan sa pagtatrabaho, ay bibigyan ng hazard pay na P3,000 bawat buwan.

Isa si Go sa lumikha ng resolusyon sa Senado na nagbibigay-parangal sa kabayanihan ng limang mi­yembro ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na namatay habang nagliligtas ng buhay sa pananalasa ng Super Typhoon Karding.

Muli ring iginiit ni Sen. Go ang kanyang apela na maisabatas ang SBN 193 na layong magtayo ng mga ligtas at malinis na evacuation center sa bawat lungsod, lalawigan at munisipalidad sa buong bansa.

HAZARD PAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with