^

Bansa

Tone-toneladang imported galunggong, dumating na - BFAR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Tone-toneladang imported galunggong, dumating na - BFAR
Sa ngayon, nasa P280 ang presyo ng lokal na galunggong kada kilo habang nasa P220 hanggang P240 ang presyo ng imported na galunggong kada kilo.

MANILA, Philippines — Dumating na sa bansa ang mahigit 13,000 metriko toneladang isdang galunggong na inangkat ng Pilipinas.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ipinatutupad ngayon ang closed fishing season sa Northeast ng Palawan kaya kinailangan umano na mag-import ng galunggong dahil kulang ang suplay nito sa bansa.

Sa ngayon, nasa P280 ang presyo ng lokal na galunggong kada kilo habang nasa P220 hanggang P240 ang presyo ng imported na galunggong kada kilo.

Ipinatutupad ang closed fishing season ng galunggong mula Nobyembre 1 at tatagal hanggang Enero 31.

Bukod sa galunggong, pinayagan din ng BFAR ang pag-aangkat ng bigeye scad, mackerel, bonito, at moonfish dahil kulang din ang suplay nito sa bansa.

GALUNGGONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with