^

Bansa

Karagdagang service incentive leave ng mga empleyado, isinulong ni Sen. Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinulong sa Senado ni Senator Christopher “Bong” Go ang panukalang batas na magdadag­dag ng service incentive leave (SIL) ng mga empleyado ng pribadong sektor sa bansa.

Inihain ni Go ang Se­nate Bill No. 1705 na amyen­da sa Article 95 ng Labor Code of the Philippines na mag-uutos sa mga employer na bigyan ang kanilang mga empleyado ng taunang SIL ng sampung araw na may bayad.

Sa kasalukuyan, ang SIL ay ibinibigay sa isang manggagawa na nasa serbisyo sa loob ng 12 buwan, continuous man o broken, na ibinibilang mula sa petsa na nagsimulang magtrabaho ang empleyado, kabilang ang mga awtorisadong pag­liban at binabayarang regular na pista opisyal.

Gayunpaman, sinabi ni Go na ang Labor Code ay nagtatakda rin na kung bibigyan ng employer ang empleyado ng vacation leave na hindi bababa sa limang araw, dapat itong ituring na sumusunod sa mandatory grant ng SIL. Sa makatuwid, ang mandatory leave credits ay hindi bababa sa 5 araw lamang gayundin ang iba pang leave.

Upang higit na big­yang-insentibo ang mga empleyado, sinabi ni Go na ang kanyang panukala ay naglalayong amyendahan ang Labor Code sa pamamagitan ng pagtataas ng SIL mula 5 araw hanggang 10 araw sa bawat taon ng serbisyong ibinibigay.

Sa pagkilala sa kritikal na papel at mala­king kontribusyon ng mga manggagawa, sinabi ni Go na ang proteksyon at pagtataguyod sa kanilang mga karapatan at kapa­kanan ay mangangahulugan ng mas mahusay na performance ng ekonomiya.

Matatandaang naging instrumento rin si Go sa pagsasabatas ng Republic Act No. 11466 o ang Salary Standardization Law 5, na nagbibigay sa mga civilian government employee ng karagdagang sahod.

Naghain din ang senador ng SBN 1184 at 1191 na magpoprotekta sa kapakanan at interes ng delivery service riders at seafarers.

vuukle comment

LEAVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with