^

Bansa

Pagbasura sa murder raps vs 17 pulis sa 'Bloody Sunday' killings ikinadismaya

James Relativo - Philstar.com
Pagbasura sa murder raps vs 17 pulis sa 'Bloody Sunday' killings ikinadismaya
Makikitang nagpipiket sa harapan ng Department of Justice ang mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno, Marso 2022, upang kundenahin ang pagpatay sa siyam na aktibista sa CALABARZON noong 2021.
The STAR/Russel Palma, File

MANILA, Philippines — Kinundena ng sari-saring grupo ang pagbasura ng Department of Justice sa reklamong murder laban sa 17 pulis na idinidiin sa serye ng pagpatay sa mga aktibista sa Calabarzon noong 2021.

Martes ng gabi nang isapubliko ng DOJ ang resolusyon nito tungkol sa reklamong murder kaugnay ng pagkamatay ng labor leader na si Manny Asuncion na damay sa ikinasang raid dalawang taon na ang nakalilipas dahil sa "kakulangan ng ebidensya."

"Walang hustisya.  Matapos ang isang taon, ibinasura ng DOJ ang kaso laban sa mga pulis na sangkot sa Bloody Sunday massacre at pagpatay kay Manny Asuncion," wika ni Renato Reyes Jr., secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan kagabi.

"Napakasahol... Sa tingin nyo ano ang epekto nito? May biktima pa bang magtitiwala sa DoJ? At tingin nyo ba titigil ang mga pulis at militar sa pagpatay kung walang nananagot?"

 

 

Magtatandaang taong 2021 nang irekomenda ang pagsasampa ng "murder" sa naturang law enforcement agents na sangkot sa pagkamatay ni Asuncion, isa sa siyam na aktibistang napatay sa Cavite, Laguna, Batangas at Rizal.

Una nang iginiit ng Calabarzon police na "nahulihan" ang mga nabanggit ng baril at pampasabog habang hinahainan ng search warrants ang mga aktibista. Nanlaban din daw ang mga nabanggit kung kaya't napatay. Sa kabila nito, idinidiin ng mga grupo na "unarmed" ang mga napaslang.

"Nakipagdayalogo pa nga kami kay SoJ Meynard Guevarra noong 2021 at nagpasalamat sya na nagtiwala kami sa DoJ at sa TF AO35 para imbestigahan ang pagpatay," dagdag ni Reyes.

"Nagbuo sila ng mga imbestgador mula sa mga prosecutors, nag-cooperate ang mga testigo at naisampa ang kaso sa piskal para sa preliminary investigation. Pero sa panahon ni SoJ [Boying] Remulla binasura."

Namatay sina Asuncion, isang lider manggagawa at tagapagsalita ng BAYAN-Cavite, ilang araw matapos utusan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pulis at militar na patayin ang mga rebelde "nang hindi iniisip ang karapatang pantao."

'Poor justice system'

Umaasa ang Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR) na makatutulong ang International Labor Organization-High-LevelTripartite Mission (ILO-HLTM) para mabigyan ng katarungan sina Ka Manny atbp. biktima ng extrajudicial killings.

Inilabas kasi ang desisyon ng DOJ ilang araw lang bago ikasa ng ILO ang imbestigasyon nito pagdating sa pagpatay sa mga unyonista atbp. paglabag sa karapatan ng mga manggagawa na mag-organisa.

"Ka Manny's case is a clear manifestation of how poor the justice system is in the PH, as perpetrators run free and rights defenders continue to be attacked," wika sa CTUHR.

"We call on all peace-loving Filipinos to join us in expressing our indignation over this injustice and continue to fight until the perpetrators are held accountable."

 

vuukle comment

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

DEPARTMENT OF JUSTICE

EXTRAJUDICIAL KILLINGS

RODRIGO DUTERTE

TRADE UNION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with