^

Bansa

Maharlika Wealth Fund ‘di na kukuha ng pondo sa SSS, GSIS  

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Maharlika Wealth Fund ‘di na kukuha ng pondo sa SSS, GSIS   
Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez took his oath of office before the House of Representatives.
The STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines — Hindi na kukuha ng pondo sa Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) ang isinusulong na Maharlika Wealth Fund (MWF) Bill sa Kamara.

Ito’y matapos magdesisyon si House Speaker Martin Romualdez at iba pang mga lider ng Kamara na tanggalin na ang SSS at GSIS sa pagkukunan ng pondo sa MWF.

Sinabi ni House Committee on Appropriations Vice Chairman at 2nd District Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo na nakipagpulong si Romualdez sa mga economic managers para suriing mabuti ang MWF bill na nai-draft ng economic team ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Based on our assessment of the proposed changes put forward by the economic team, we are amending the bill to change the fund sources, removing GSIS and SSS as fund contributors and instead utilize profits of the Bangko Sentral ng Pilipinas,” paliwanag ni Quimbo.

Ang House Bill 6398 o MWF ay isinusulong nina Romualdez, Senior Deputy Speaker Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo at iba pang mga mambabatas na una nang sinabi na pabor silang mahimay na mabuti at pag-aralan ang nasabing panukalang batas.

Ayon kay Quimbo, ang diskusyon sa amyenda ay pag-aaralan ng Committee on Appropriations sa pamumuno ni Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co sa darating na Biyernes sa instruksyon na rin ni Romualdez.

“Maganda na nagsagawa tayo ng series of consultations ukol sa panukala; na-validate ang mga agam-agam ng ating mga kababayan, lalo na ang masisipag na manggagawang Pilipino, na buwan-buwang naghuhulog ng GSIS at SSS contributions,” ayon pa kay Quimbo.

MWF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with