^

Bansa

Utang ng Pilipinas 'record-high' na naman sa P13.64 trilyon nitong Oktubre

James Relativo - Philstar.com
Utang ng Pilipinas 'record-high' na naman sa P13.64 trilyon nitong Oktubre
Data from the BSP released Thursday showed foreign portfolio investments recorded net outflows of $103 million last month.
BW Photo

MANILA, Philippines — Tumuntong na sa P13.64 trilyon ang "outstanding debt" ng gobyerno ng Pilipinas sa pagtatapos ng Oktubre 2022, bagay na nangyayari sa gitna ng 14-year high inflation rate at kontrobersyal na panukalang Maharlika Wealth Fund.

Ito ang ibinalita ng Bureau of Treasury, Miyerkules, matapos madagdagan ng P124.92 bilyon ang halagang hiniram ng gobyerno. Nasa 0.92% pag-akyat ito kumpara sa utang noong Setyembre.

"[This is] largely due to the net availment of both local and external loans. NG debt has increased by P1.91 trillion or 16.31% since end-December 2021," paliwanag pa ng Treasury kanina.

Narito ang kasalukuyang hatian ng utang ng gobyerno:

  • utang panloob (P9.36 trilyon)
  • utang panlabas (P4.28 trilyon)

Halos buwan-buwan nang "record-high" sa halaga ng utang ang naitatala ng gobyerno, dahilan para ipayo noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad ang administrasyon ng panibagong mga buwis at pagbabawas ng hindi kinakailangang gastos.

Ayon sa kawanihan, nadagdagan ng P54.58 bilyon ang domestic debt primarya dahil sa net issuance ng government securities na siyang nagkakahalaga na ng P55.83 bilyon, habang nabawasan naman ito ng P1.25 bilyon dulot ng local currency appreciation kontra sa dolyar.

Matatandaang tumaas nang bahagya ang halaga ng piso kontra sa dolyar patungong P58.047 noong pagtatapos ng Oktubre, bagay na hakbang pasulong mula sa P58.646 isang buwan bago ito. 

"NG domestic debt comprises 68.58% of the total debt stock and has increased by P1.18 trillion or 14.50% since the beginning of the year due to continued preference for domestic financing to mitigate foreign currency risk," sabi pa ng Treasury.

"NG external debt amounted to P4.28 trillion, P69.34 billion or 1.64% higher from the end-September level due to the P118.71 billion net availment of foreign financing."

Sa ilalim ng ama ni Bongbong na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., matatandaang lumobo ng "fifty-fold" ang utang ng Pilipinas mula US$599 million noong 1965 patungong US$28.3 billion noong 1986 lalo na para pondohan ang kanyang "Golden Age of Infrastructure," ayon sa economic think tank na IBON Foundation.

BUREAU OF TREASURY

ECONOMY

GOVERNMENT DEBT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with