LRT-1 Cavite operational na sa September 2024
MANILA, Philippines — Inaasahang magiging operational sa Setyembre 2024 ang Cavite Extension project ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).
Inihayag ito ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista nang mag-inspection sa Dr. Santos at Ninoy Aquino Stations ng rail line kahapon.
“We are expecting that this line will be operational by September of 2024. I’m impressed with the status of the project,” sabi ni Bautista.
Sa ngayon ay umaarangkada na ang konstruksiyon ng LRT-1 Cavite Extension Stations.
Ang progress rate ng mga istasyon na nasa Parañaque City kabilang ang Dr. Santos Station ay nasa 40.03%, ang Ninoy Aquino Station ay nasa 34.06% habang ang Redemptorist Stations ay 30.17%.
Samantala, ang Asia World at MIA Stations sa Pasay City naman ay may 37.12% at 35.47% progress rates na.
Ang 11.7-km proyekto, na mayroong walong istasyon, ang magkokonekta sa Baclaran, Parañaque City at Bacoor, Cavite.
Sa sandaling maging fully operational, ang travel time sa LRT-1 Cavite sa pagitan ng Baclaran at Bacoor, Cavite ay magiging 25 minuto mula sa kasalukuyang 1 oras at 10 minuto.
- Latest