^

Bansa

'17-year high': Utang ng Pilipinas 63.7% na ng ekonomiya ng bansa

Philstar.com
'17-year high': Utang ng Pilipinas 63.7% na ng ekonomiya ng bansa
File photo ng pera
Philstar.com/File photo

MANILA, Philippines — Lumobo sa 63.7% ang debt-to-gross domestic product (GDP) ratio ng Pilipinas sa ikatlong kwarto ng 2022 — ang pinakamataas sa loob ng 17 taon — pagpapakita ng pinakabagong datos ng Bureau of Treasury.

Huling mas mataas ang debt-to-GDP ratio noong pumalo ito sa 65.7% sa ilalim ni dating Pangulong Gloria Arroyo noong 2005. Matatandaang naitala ito sa 62.1% noong second quarter.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang umakyat sa bagong record high na P13.52 trilyon ang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng Setyembre, bagay na naitala ng Treasury sa kabila ng pagtaas ng GDP sa 7.5% kamakailan.

Ayon kay ING Bank senior economist Nicholas Mapa, maaaring maganda pa rin ang GDP performance ng Pilipinas sa fourth quarter. Sa kabila nito, maaaring hindi raw kayaning maabot ang target ng gobyerno na 61.8% debt-to-GDP ratio.

"I don’t think we’ll be able to hit it, but as long as we demonstrate a commitment to lower and make some headway in fiscal consolidation we can still hope to avoid a downgrade," sabi niya sa panayam ng The STAR.

"Our strategy for fiscal consolidation was to outgrow debt. Despite the strong third quarter GDP print, the ratio increased, which means we will need another stellar fourth quarter GDP to hope to catch the target."

Ayon sa "international acceptable threshold," hindi dapat lumampas ang debt-to-GDP ratio sa 60%.

Ang mababang debt-to-GDP ratio ay nangangahulugang kayang mabayaran ng isang bansa ang mga utang nito sa pamamagitan ng mga nililikha't ibinebentang goods and services nang hindi nagkakaroon ng panibagong utang.

Ani Mapa, dapat magpokus ang gobyerno sa revenue generation kahit na hindi pa nakakapagbalangkas ng matitinding buwis na maaaring makatulong sa pagpapaki ng resources.

Sa kabila nito, sinabi naman ni Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort na hindi pa magandang oras ito para sa mas mataas na mga buwis lalo na't maaari raw itong makadagdag sa inflationary preassures.

"But once inflation stabilizes, there is a need to push for more tax reform measures, or at the very least intensified tax collections," ani Ricafort.

Una nang naghain ang Makabayan bloc ng apat na panukalang batas kontra sa value added tax, bagay na kanilang ginagawa upang makaagapay ang publiko sa 7.7% inflation rate, na siyang pinakamataas simula Disyembre 2008. — James Relativo at may mga ulat mula kay The STAR/Louise Maureen Simeon

vuukle comment

BUREAU OF TREASURY

DEBT

GROSS DOMESTIC PRODUCT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with