^

Bansa

SC: Pichay ‘di na pwedeng magkaposisyon sa gobyerno

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
SC: Pichay âdi na pwedeng magkaposisyon sa gobyerno
File photo of Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay
Prospero Pichay

MANILA, Philippines — Tuluyan nang inalisan ng Supreme Court (SC) ng karapatan o pagkakataong maupo sa anumang posisyon sa gobyerno si dating Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay makaraang magdesisyon ukol sa kaniyang “perpetual disqualification from holding public office”.

Sa “two-page entry of judgement” ni SC Deputy Clerk of Court and Chief Judicial Records Officer Basilia Ringol, isinasaad na pinal at dapat nang maipatupad ang naunang desisyon ng SC First Division na kumakatig sa naunang kautusan ng Office of the Ombudsman na patawan ng habambuhay na pagbabawal kay Pichay na humawak ng anumang government position.

Magugunita na sa 40-pahinang resolusyon ng SC First Division, na may petsang Nobyembre 11, 2021, ibinasura ng high tribunal ang petisyon ni Pichay na ipawalang-bisa ang kanyang administrative at criminal liabilities.

Ito ay kasunod ng dismissal order na inilabas laban sa kanya ng Office of Ombudsman noong 2001 kung saan kasama dito ang perpetual disqualification from holding any public office bilang accessory penalty.

Si Pichay ay ipinagharap din ng Ombudsman ng kasong graft sa Sandiganbayan bunsod ng pagbili ng Local Water Utilities Administration (LWUA), noong siya ang namumuno dito, ng 445,377 shares o katumbas ng 60% shares ng Express Savings Bank Inc. (ESBI) sa halagang P80 milyon, na walang prior approval mula sa Monetary Board (MB).

Bilang chairman ng LWUA ay inaprubahan diumano ni Pichay ang pagdeposito ng P300 million sa ESBI at paglipat sa nasabing bangko ng karagdagang P400 million bilang capital infusion ahensiya, na hindi rin aprubado ng Monetary Board.

PROSPERO PICHAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with