^

Bansa

Barangay, SK elections ipinagpaliban sa Oktubre 2023 na!

Pilipino Star Ngayon
Barangay, SK elections ipinagpaliban sa Oktubre 2023 na!
Sa ilalim ng Republic Act 11935, ang lahat ng incumbent barangay at SK officials ay mananatiling nanunungkulan hanggang sa mahalal ang kanilang magiging kapalit o di kaya naman ay inalis o nasuspinde sa anumang kadahilanan.
STAR / File

Pirmado na ni Pangulong Ferdinand Marcos

MANILA, Philippines — Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para maging batas ang pagpapaliban sa December 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan elections na isasagawa na sa huling Lunes ng Oktubre ng 2023.

Ito ang nakapaloob sa Republic Act 11935.

Sa ilalim ng naturang batas, ang lahat ng incumbent barangay at SK officials ay mananatiling nanunungkulan hanggang sa mahalal ang kanilang magiging kapalit o di kaya naman ay inalis o nasuspinde sa anumang kadahilanan.

Ang panunungkulan naman ng mahahalal na  barangay at  SK officials ay magsisimula sa tanghali ng November 30, 2023.

Nakatakda namang maglabas anumang oras ang Commission on Elections ng kanilang ‘adjustment of the calendar’ukol dito.

BARANGAY ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with