Bagyong Maymay halos hindi gumagalaw habang ilang Luzon areas Signal No. 1
MANILA, Philippines — Nananatiling "stationary" ang Tropical Depression Maymay habang kumikilos ito sa ibabaw ng Philippine Sea, ayon sa pinakabagong ulat ng PAGASA ngayong Martes.
Bandang 4 p.m. nang mamataan ang tropical depression 265 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora, wika ng state weather bureau kanina.
- Lakas ng hangin: aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: hanggang sa 55 kilometro kada oras
- Pagkilos: halos "stationary"
"Today through tomorrow afternoon, moderate to heavy with at times intense rains over Cagayan, the northern portion of Isabela, Batanes, and Apayao," wika ng meteorologists.
"Light to moderate with at times heavy rains over Aurora, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ilocos Norte, and the rest of Isabela."
Nakataas pa rin naman ang Tropical Cyclone Wind Signal sa ilang bahagi sa Pilipinas.
Signal No. 1
- Isabela
- Quirino
- Nueva Vizcaya
- Aurora
- Nueva Ecija
- extreme northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta) kasama ang Pollilo Islands
Maaaring makaranas ng malalakas na hangin hanggang "near gale strength" sa mga naturang lugar kung saan nakataas ang Signal No. 1.
"Tropical Depression MAYMAY is forecast to move slowly westward or remains almost stationary in the next 12 hours before it will gradually accelerate westward towards Central Luzon," patuloy pa nila.
"On the forecast track, the center of this tropical cyclone may make landfall in the vicinity of Aurora by tomorrow evening or Thursday early morning. Afterwards, the center of 'MAYMAY' will traverse the landmass of Central Luzon."
Nakikitang mapapanatili ng bagyong "Maymay" ang lakas nito bago ito sumalpak sa lupa. Dahil sa frictional effects, maaaring i-downgrade patungo sa isang remnant low ang sama ng panahon habang tumatawid sa kalupaan. — James Relativo
- Latest