^

Bansa

Ika-50 taon ng Martial Law ginunita, lalabanan daw nang 'di maulit

James Relativo - Philstar.com
Ika-50 taon ng Martial Law ginunita, lalabanan daw nang 'di maulit
Protesters stage a demonstration in front of the People Power Monument in Quezon City, suburban Manila on September 21, 2022, to commemorate the 50th Anniversary of imposition of Martial Law.
AFP / Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Inaasahang bubuhos sa kalsada ngayong araw sa iba't ibang dako ng bansa ang mga protesta kasabay ng ika-50 anibersaryo ng Batas Militar ng diktador at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ika-21 ng Setyembre taong 1972 kasi nang pirmahan ni Marcos Sr. ang Proclamation 1081 na siyang naglalagay sa buong Pilipinas sa Martial Law sa gitna ng lumalaking paglaban sa kanyang pamumuno, dahilan para makulong ang 70,000, ma-torture ang 34,000 at mapatay ang 3,200, ayon sa Amnesty International.

Marami raw sa mga problema ng diktadurya ay kahawig na raw ng mga nangyayari sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kasalukuyan.

"Today we join millions of Filipinos here and abroad in marking the 50th anniversary of the imposition of Martial Law on the Filipino people by the dictator Ferdinand Marcos, Sr.," wika ni Renato Reyes Jr., secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan, Miyerkules.

"To remember is to seek justice and accountability for the thousands of victims of dictatorship. To remember is to ensure that such abuses will never be repeated. To remember is to aspire and to fight for genuine freedom and democracy."

Sa kabila ng paglaban ng mga human rights advocates at mga aktibista, kapansin-pansing sari-saring maniobra ang ginagawa sa ngayon upang pabanguhin ang panahon ng Martial Law, na hindi lang kilala sa paglabag ng karapatang pantao ngunit pati na rin sa ill-gotten wealth.

Kamakailan lang nang maghain ng mga panukalang batas para ipangalan kay Marcos Sr. ang Ninoy Aquino International Airport at isang kolehiyo sa Ilocos.

Gusto namang ipabuwag ni Deputy Speaker Bienvenido Abante Jr. (Manila, 6th District) ang Presidential Commission on Good Government na itinayo para bawiin ang mga nakaw na yaman ng diktador.

"Indeed, today feels very much like 1972. Books are being banned. Media outlets are being blocked on the internet. Activists and revolutionaries are demonized as 'terrorists,'" ani Reyes.

"Freedom of expression is suppressed. Peaceful protests are violently dispersed. Communities are militarized. Fanaticism is cultivated and critical-thinking opposed."

Tinutukoy ng lider ng BAYAN ang pag-ban kamakailan ng Komisyon sa Wikang Filipino sa ilang "subersibong" libro sa mga silid-aklatan at paaralan, bagay na kahawig ng censorship noong diktadura.

Ngayong taon lang din nang tuluyang ipa-block ng gobyerno ang ilang red-tagged websites ng mga progresibo, kung saan damay pati ang ilang lehitimong news outlets.

Malaking alyansa vs 'golden age of evil'

Kaugnay ng okasyon, inaanyayahan naman ng partidong Akbayan ang lahat ng mga demokratikong pwersa na magsama-sama upang labanan ang ipinalalaganap na pekeng "golden age" ng mga Marcos, ito habang pinananagot ang mga kinauukulan.

"[E]ven in our darkest moments amid the slaughter of our history, a flicker of hope remains. They have failed to extinguish it," ani Akbayan executive leader Perci Cedana kanina.

"We will build on this hope. As the political party of Senator Risa Hontiveros, Akbayan Party extends its invitation to all democratic, progressive, and reform-oriented groups, movements, political parties and individuals to join us in a grand project to create a new hope in order to build alternative centers of power against tyranny, false history and impunity."

"We will build a broad alliance of hope to defeat the golden age of evil."

Aniya, "pinagsasamantalahan" kasi sa ngayon ng administrasyon ang mga hindi natupad na pangako ng EDSA People Power, dahilan paara maakit ang taumbayan sa mga "tyranical shortcuts."

Umaasa ang grupong "guguho ang kasamaaan" sa patuloy na pagpupursigi at pagpapanday ng katapangan. Bagama't makalimot daw ang iba, ipagpapatuloy nila ang pag-alala.

Tuloy ang laban

Idiniin naman ng grupong Karapatan ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng laban matapos ang kalahating siglo simula nang maging epektibo ang Batas Militar, bagay na pilit daw pinagtatakpan ni Marcos Jr.

Ani Cristina Palabay, secretary general ng grupo, malaking kaipokrituhan ang kamakailang pagsasalita ng presidente sa UN General Assembly patungkol sa ilang "universal ideals" at prinsipyong hindi naman daw kinikilala ng kanilang pamilya.

Kamakailan lang nang aminin ni Bongbong na may ilang pag-abuso talaga sa karapatang pantao noong Martial Law, ngunit inihalintulad lang ito sa mga karaniwang nangyayari tuwing may mga gera.

Binanatan din nila ang mga tangka ng gobyerno na harangan ang pagpapalabas ng pelikulang "Liway" sa Pasay City nitong Martes na siyang nagpapakita sa karanasan ng mga biktima ng diktadurya.

"Along with recent disinformation roadshows of the Marcoses, these attempts to suppress narratives on past and present social realities show the guilt-laden obsession of the Marcoses to deodorize their name," dagdag pa ni Palabay.

"But the truth, powered by the people’s collective experience of woes and struggles, will always prevail. Today, we march with thousands to uphold the people’s struggle for genuine freedom and democracy."

vuukle comment

AKBAYAN

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

BONGBONG MARCOS

FERDINAND MARCOS SR.

KARAPATAN

MARTIAL LAW

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with