72 milyong Pinoy nakarehistro na sa national ID – PSA
MANILA, Philippines — Umaabot sa 72 milyong Pinoy ang nakarehistro na sa Philippine Identification System (PhilSys) o national ID.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nitong August 26 ay may 72,348,546 Pinoy ang nakakumpleto na sa step 2 ng kanilang national ID registration na kapapalooban ng biometric information tulad ng fingerprints, iris at front-facing photographs.
Dahil dito, sinabi ng PSA may 78.6 percent na ang natapos mula sa 92 million registration target para sa 2022.
Ayon kay PSA undersecretary Dennis Mapa, may 30 million cards at 20 million digital IDs ang takdang ipalabas bago matapos ang taong 2022.
- Latest