^

Bansa

814 Omicron subvariants, natukoy

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Karagdagang 814 kaso ng Omicron subva­riants ang natukoy ng Department of Health (DOH) sa pinakahuling genome sequencing nitong ­Set­yembre 16-19.

Karamihan o 688 ng mga bagong kaso ay BA.5 sublineage, na tukoy na sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Pinakamaraming natukoy nito ay 126 kaso sa Metro Manila, 104 sa Western Visayas at 75 sa Cagayan Valley.

Nasa 15 impeksyon naman ng BA.4 sub­variant ang natukoy sa Metro Manila, Bicol Region at Soccsksargen.

Nasa 110 impeksyon naman ang tinaguriang “other sublineages”, habang isa ang tinukoy na “other lineage”. Nasa 97 impeksyon ang tinukoy na “no lineage assigned.”

Nitong Setyembre 20, nasa 27,686 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, base sa DOH COVID-19 tracker.

OMICRON SUBVARIANTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with