^

Bansa

Book launching na tumatalakay ng sagot sa kagutuman, tagumpay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Book launching na tumatalakay ng sagot sa kagutuman, tagumpay
Taos pusong nagpapasalamat si Virginia Rodr i g u e z s a lahat ng dumalo sa kanyang book launching.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Naging succesful­ ang launching ng lib­rong­ naglalaman ng mga ma­kabagong tekno­lohiya at organikong pamamaraan ng pagsasaka na magsisilbing sagot sa kagutuman sa bansa.

Ang launching ng libro na may tittle na “Leave Nobody Hungry­” ay sinulat o akda ng dating­ Reporter ng Manila Bulletin na si Vir­gi­nia R. Rodriguez ay gi­nanap sa Maynila Ballroom ng Manila Hotel nitong Lunes ng tanghali.

Nagbigay ng napa­ka­gandang virtual mes­sage si Press Sec. Trixie Cruz-Angeles sa pasi­naya­­ ng libro. Umaasa si Sec. Angeles na maka­katulong ng malaki sa mil­yun-milyong mag­sa­saka sa bansa ang nila­­laman ng libro para ma­pataas ang kanilang ani. Personal namang dinaluhan nina Atty. Alex Lopez, Dr. Eliseo Ruiz, Chief and Executive Officer at former Pres. ng CLSU; Asec. Antonio Molano, Councilor Joey Amzola; Councilor Pablo Ocampo; P/Gen. Andre Dizon, hepe ng MPD at iba’t ibang LGU’s, NGO’s; Businessman at mga estudyante. Ayon sa may akda ng libro na si Rodriguez, nais niyang maka­tulong sa administrasyon ng Pangulong BBM, na siya ring tumatayong Ka­­lihim ng Department of Agriculture (DA) kaya niya naisipang isulat at gawin ang nasabing aklat.

Sinabi ni Rodriguez, ang ginawa niyang libro ay maaaring gawing gabay ng mga magsasaka sa bansa para mapataas ang kanilang kita sa pagsasaka.

CLSU

DA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with