^

Bansa

Safe Pathways Act, sinususugan ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinusuportahan ni Senador Christopher “Bong” Go ang Senate Bill No. 1290, mas kilala bilang “Safe Pathways Act”, para sa pagtatalaga ng mga ligtas na bicycle lanes, walkways at slow streets sa buong bansa.

Ang nasabing panukala ay pangunahing iniakda ni Senador Pia Cayetano.

Sa kanyang co-sponsorship speech sa regular session ng Senado, sinabi ni Go, tagapangulo ng Senate committee on health, na sinusuportahan niya ang paggamit ng mga bisikleta bilang aktibong paraan ng transportasyon sa bansa hindi lamang para mabawasan ang trapiko kundi upang itaguyod din ang isang healthy at environment-friendly mode ng transportasyon.

“Sa panahon ngayon, kailangan na nating isipin paano makakatulong ang ating lifestyle sa ating kalusugan. Sa pamamagitan ng paggamit ng bisikleta, mabibigyan tayo ng pagkakataong makapag-exercise at siyempre, makatulong sa ating kapaligiran,” ayon sa senador.

Idinagdag ni Go na palagi niyang hinihimok ang mga Pilipino na mag-commute sakay ng bisikleta dahil sa dahilang ito.

Namimigay rin ng mga bisikleta ang senador sa kanyang mga pagbisita sa mga residenteng apektado ng pandemya at biktima ng sunog o iba pang natural na kalamidad.

Hanggang may sapat na mga pasilidad at imprastraktura upang himukin ang mga Pilipino na magbisikleta, naniniwala si Go na ang paggamit ng mga bisikleta ay isang paraan ng transportasyon na solusyon sa tumataas na halaga ng gasolina.

BICYCLE LANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with