^

Bansa

'All-time low': Halaga ng piso sumadsad sa P57 vs dolyar

Philstar.com
'All-time low': Halaga ng piso sumadsad sa P57 vs dolyar
File photo ng palitan ng dolyar sa piso
The STAR / Miguel de Guzman, File photo

MANILA, Philippines — Nagsara sa pinakamababa nitong halaga sa kasaysayan ng Pilipinas ang piso kontra US dollar sa P57, ayon sa pinakahuling ulat ng Bankers Association of the Philippines, Martes.

Ito ang unang beses na bumulusok ang palitan ng piso sa dolyar sa naturang antas batay sa dataset mula pa noong 2001.

Lunes lang nang bumagsak ito sa P56.999, bagay na nangyayari ngayong namromroblema pa ang Pilipinas sa inflation (bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin).

Ang naturang peso depreciation ay nagaganap ngayong umaasa ang bansang makatalbog mula sa krisis pang-ekonomiya dulot ng COVID-19 pandemic at lockdowns sa nakaraang dalawang taon.

Ang datos na ito ay pabor para sa mga overseas Filipinos na nagpapadala ng dolyar sa kani-kanilang pamilya, lalo na't nangangahulugan ito ng mas malaking halaga kapag ipinapalit na sa piso.

Ilan sa mga nakikitang epekto ng peso depreciation ay ang mas mahal na halaga ng foreign foods and services sa mga Pilipino.

Kanina lang nang sabihin ni Domini Velasquez, chief economics ng China Bangking Corp. na "magpapatuloy" pa ang pagsadsad ng piso kontra dolyar lalo na't magpupulong ang US Federal Reserve Board ngayong buwan.

"[W]e are more or less certain that this downward trend will continue, possibly until next year," dagdag pa niya.

Hindi naman nababahala si Miguel Chanco, chief Emerging Asia economist para sa Pantheon Macroeconomics, sa pagtamlay ng piso. Gayunpaman, malamang sa malamang ay lumapit pa raw ito sa P58 sa mga susunod na linggo ngunit malabo na raw na lumala pa ito mula riyan.

Kahalintulad naman ang pananaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas, pero "less-than-ideal" pa rin daw ito para sa mga Pilipinong umaasa sa remittance, lalo na't naapektuhan na ng inflation ang purchasing power ng piso.

Bahagyang bumagal ang August headline inflation ng Pilipinas sa unang pagkakataon ngayong 2022 matapos pumalo sa 6.3%. Sa kabila nito, labis-labis pa rin ito sa target inflation ng gobyerno na 2-4%. — James Relativo at may mga ulat mula kay Ramon Royandoyan

vuukle comment

DOLLAR

EXCHANGE RATE

PESO DEPRECIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with