^

Bansa

QCPD dinisperse grupong namimigay ng alcohol, face masks sa school opening

James Relativo - Philstar.com
QCPD dinisperse grupong namimigay ng alcohol, face masks sa school opening
Makikitang kinukumpiska ng mga kawani ng Quezon City Police District ang mga ipinamamahaging alcohol, face masks at prutas ng ilang grupo habang tangkang inaaresto ang ilang staff ng Salinlahi and Children's Rehabilitation Center sa pagbabalik ng face-to-face classes sa Pres. Corazon C. Aquino Elementary School in Barangay Batasan Hills, Quezon City, ika-22 ng Agosto, 2022
Video grab mula sa College Editors Guild of the Philippines

MANILA, Philippines — Kinastigo ng ilang aktibista ang aniya'y "police brutality" na ipinamalas ng mga pulis matapos mamahagi ng mga face masks, alcohol at prutas sa mga estudyante ng Pres. Corazon C. Aquino Elementary School sa Barangay Batasan Hills, Quezon City sa pagbabalik ng face-to-face classes.

Makikita sa video na ito ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP), Lunes, kung paano tangkang arestuhin ng mga tauhan ng Quezon City Police District ang ilang staff ng Salinlahi and Children's Rehabilitation Center na nananawagan ng ligtas na pagbabalik sa eskwela.

"Salinlahi Alliance for Children's Concern condemns to the highest degree the intimidation and harrassment of QCPD among our staff. The hostile action of the policemen against the distribution is plainly despicable and illegal," wika ng grupo sa isang pahayag kanina.

"The parents present were receptive and grateful for the initiative. However, police officers from QCPD interrupted the distribution, assailing that the word 'ipaglaban' in the phrase 'Ligtas na Balik Eskwela, Ipaglaban' was prohibited."

 

 

Nang tanungin daw ang QCPD, sinabi raw ng mga nabanggit na "wala silang permit" kung kaya't pinagbabawalang mamahagi.

Naniniwala tuloy ang Salinlahi na parte ito ng "chilling effect" ng Anti-Terror Law, na siyang nagbabansag daw sa humanitarian at aid distribution bilang aksyong kontra-gobyerno.

"The anxiety of the young children witnessing the policemen's deplorable act is beyond imagination. The school should serve as a zone of peace at all times, not to mention that several men in uniform were inside the school premises manning the school gate," sabi pa ng Salinlahi.

"The group has persistently called on DepEd to ensure the safe reopening of schools amidst the ongoing pandemic and provide aid to students and families affected by the economic crisis."

Nanawagan din sila sa iba pang child right-focused organizations na kundenahin ang hakbang ng QCPD laban sa mga child's rights defenders at maging mapagmatyag sa pagliit ng espasyong demokratiko para sa mga cause-oriented initiatives.

Kanina lang nang sabihin ng Department of Education na mukhang ligtas at mapayapa ang pagbabalik ng harapang mga klase, bagay na naantala ng dalawang taon bunsod ng COVID-19 pandemic. 

QCPD: Harang sila sa daan eh

Ayon sa pahayag ng QCPD, bandang 8:30 a.m. nang iulat ng isang "concerned citizen" sa Batasan Police Station (PS 6) ang isang protesta sa harap ng naturang eskwelahan.

Aminado ang QCPD na humingi ang grupo ng permiso na mamahagi ng alcohol at school supplies sa mga bata, dahilan para payagan silang pumosisyon sa harap ng gate.

"However, they suddenly brought out streamers and placards and were about to hold a program right in front of the gate of Corazon Aquino Elementary School causing disruption of the entry of parents and students thereat resulting in long lines in the queing," patuloy ng kapulisan.

"The QCPD immediately dispatched policemen to warn the protesters and requested them to remove their protest placards, as it causes fear to children and parents in entering the school premises."

Sa kabila ng negosasyon, tumanggi raw ang mga nabanggit na umalis kung kaya't napilitan na raw silang kumpiskahin ang mga dalang streamer at placard.

Ayon kay Police BGen. Nicolas Torre III, wala raw silang balak manira ng sinumang grupo ngunit hinihikayat ang diwa ng Bayanihan. "Maximum tolerance" daw ang kanilang gagawin ngunit hindi magiging maluwag sa mga "manggugulo."

"Ang kapulisan ng QCPD ay patuloy na magbabantay sa mga paaralan upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan dito sa Lungsod Quezon," dagdag ni Torre.

'Police brutality sa harap ng mga bata'

Binanatan tuloy ng Kabataan party-list ang nasabing insidente lalo na't naka-"traumatize" daw ito ng mga bata sa nasabing elementary school. Tinawag pa nilang police brutality ang nangyari.

"The donation drive station was also meant to amplify calls for safe school reopening, student aid and other legitimate grievances," sabi ng grupo, na tanging representante ng kabataan sa loob ng Kamara.

"Kabataan Partylist condemns this act of police brutality that did not only deprive young students of safety equipment and other necessities on their first day but also inflicted trauma to children who witnessed such violence."

Nakatanggap na rin daw ang kanilang irganisasyon ng mga ulat ng police presence sa maraming paaralan sa buong bansa, bagay na inaasahan na raw sa pagkakaupo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., anak ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr. na nagdeklara ng Martial Law noong 1972.

Dagdag pa nila, dapat agad i-pull out ng Philippine National Police ang kanilang mga tropa sa mga eskwela lalo na't makakagampa pa raw ito sa tunay na ligtas na pagbabalik ng in-person classes.

ALCOHOL

COVID-19

DONATION DRIVE

FACE TO FACE CLASSES

KABATAAN PARTY-LIST

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SCHOOL OPENING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with