^

Bansa

DOH: Walang bagong kaso ng monkeypox sa Pinas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Health officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire na wala pang bagong kaso ng monkeypox virus sa bansa kasunod ng pagsasabi na posibleng sa 2023 pa magkaroon ang bansa ng bakuna kontra dito.

Sinabi ni Vergeire na ang 10-close contacts ng nag-iisa pa lamang na kaso ng monkeypox ay kasalukuyang nasa quarantine pa rin at nananatiling mga walang sintomas.

Matatandaan na kinumpirma ng DOH noong Hulyo 29 na may isang kaso na ng monkeypox sa bansa, na ngayon ay ganap nang magaling at nakikihalubilo na rin sa ibang tao.

Ayon pa sa DOH, naihahawa ang monkeypox sa pamamagitan ng ‘close contact’ kabilang ang sekswal na aktibidad.

Maaari rin itong maipasa sa pamamagitan ng direktang kontak sa taong mayroon nito o paghawak sa mga bagay na nahawakan o sa damit na suot ng pasyente.

May 16,000 kaso ng monkeypox ang naire-rekord na sa 75 bansa sa mundo ngayong taon, ayon sa World Health Organization.

ROSARIO VERGEIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with